Chapter 44

129K 3K 732
                                        

ito na ata ang pinakamahabang BS scene na nasulat ko😂 pero dahil nga mahal ko kayo, pinaghirapan ko ito.

Sa mga batang mambabasa ko, i-skip niyo na lang ang mature scenes because it's really not suitable for you.

WARNING. SPG.

I'm serious.

🍎

TAHIMIK ako sa tabi habang inaayos namin ang kusina. Umuwi na ang ilang mga bisita. Yung mga binatang lalaki, naroon sa kabilang bahay kasama na sina Tito Tino, Kuya Sinc at si Yro.

Nagpabuga ako ng marahas na hininga.

Kanina, hindi na ako pinansin ni Yro mula nung matapos ang pag-uusap namin. Gago 'yun a! Oo mahal na mahal ko siya pero masarap kasi sa pakiramdam na nililigawan niya ako kaya hindi ko muna siya sinasagot.

Napasimangot ako nang maalala kung papaano niya ako ignorahin kanina habang kumakain kami.

Ginulo ko ang buhok ko. Kaasar!

"Anong iniisip mo at lutang ka diyan?" Tumabi si Ate sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Nagtatampo sa akin si Yro" Nguso ko.

Ngumisi si Ate at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "O anong gagawin mo?"

"Wala" Matabang kong sagot.

Inirapan niya ako. "Pinatampo mo na nga, wala ka pang gagawin?" Umiling siya. "Kung nagtatampo rin lang, suyuin mo! Huwag mong hintaying siya pa ang magsuyo sa'yo kung ikaw naman ang may kasalanan. Tsaka isa pa, halata namang patay na patay sa'yo yung manliligaw mo na 'yon. Grabe ka girl! Kung magaling ka, dapat sinagot mo na at inangkin ang gwapong iyon! Maraming higad sa tabi-tabi, mahirap na!" Pangangaral niya.

Muli akong bumuntong hininga.

Ngumisi si Ate sa akin. "Alam mo, ang kailangan lang ni Yro, make-up-sex. 'Yung kinky ba"

Nanlalaki ang mga mata ko.

"HELL NO!" Bulalas ko at sinamaan siya ng tingin. "Ate naman e!"

Humalakahak siya. "Bakit anong mali doon? Lalaki din si Yro, mahina pagdating sa bagay na iyon kapag ikaw ang nang-akit" Dugtong pa niya kaya todong nalukot na ang mukha ko.

I'm still a damn freakin' virgin!

Hindi ko kaya!

Sobra nga ang pagtatampo sa akin ni Yro dahil hindi na siya nagpaalam sa akin na sasama siya sa inuman. That guy! Nakakapikon siya!

"Briane?" Napalingon ako sa pintuan dahil sa tumawag sa akin at napangiti ako ng makita si Tera, kapatid ni Franchesca. Siya lang 'yun malapit sa akin. Si Franchesca hanggang ngayon, may kinikimkim atang sama ng loob sa akin.

"Bakit ngayon lang kita nakita?" Tanong ko nang yumakap siya sa akin. Natawa siya ng marahan. "Pumunta kasi ako sa syudad. May inasikasong importante" Sagot niya. Binalingan ko si Ate. "Tera si Ate Laira pala, nobya ni Kuya Sinc" Ani ko. "Ate, si Tera, kaibigan ko at kapatid ni Franchesca" Pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa. Nagkamayan sila.

"Hi po Ate" Magalang na bati ni Tera na nginitihan ni Ate. Napansin ko pang parang naniniguro si Ate tsaka ito tumango. "Kapatid mo ba talaga si Tera?" Nagdududang tanong ni Ate na tinawanan ko. Si Tera ngumiti. "Opo. Pasensya na po sa kapatid kong iyon kung masyadong malandi. Ganon na po 'yung babaeng 'yun e. Nakakainis, pero love ko pa rin iyon"

Napangiti kami ni Ate sa narinig pero nabura iyon sa sumunod niyang sinabi. "Actually pumunta ako dito para ipaalam sa'yo na lasing na ang gwapo mong nobyo. Pati na rin si Kuya Sinc" Kinunotan ko siya ng noo.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon