🍎
GABI NA ng makauwi kami. Si Kuya nagpaalam ng umalis dahil babalik siya sa syudad para surpresahin si Ate Laira at isama dito pagbalik. Pinahiram ni Yro ang private jet niya. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhan niya para sunduin si Kuya dito at ihatid sa syudad para mabilis ang pagbalik nila ni Ate dito.
Hindi na ako nakapagluto noong tanghali dahil meron mismong naghanda ng pagkain at nag-aya kaya doon na kami nakikain. Napabuntong hininga ako. Bukas, kaarawan na ni Kuya Sinc. Pero sa gabi namin ipagdidiwang iyon.
Liningon ko si Yro na nasa likuran ko. Nakasandal ito sa kotse niya. May kausap ito sa telepono niya at seryoso ang mukha. "Get the documents, ASAP. Send the files on my desk to Mr. Guerano. I need it signed by him next week" Utos niya sa katawag. Ni walang kabuhay-buhay ang boses niya.
"I don't fucking need excuses. Just get the damn documents" Malamig na wika nito at pinatay na ang tawag.
Pag-angat niya ng tingin, nakitaan ko ng pagod ang mga mata niya. Bagaman, tinago niya iyon ng makasalubong niya ang tingin ko.
"It's cold, Brie. Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" Tanong niya at itinago ang phone sa bulsa niya.
Instead of replying, I frowned at him. "Work?"
Tumango siya at naglakad palapit sa akin. "Okay lang naman na bumalik ka na muna sa syudad, Yro"
Umiling siya at naglalambing na hinapit ako sa baywang. "Ayoko. Liligawan pa kita" Sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Dito muna ako para mabantayan kita"
Mabantayan kanino?
Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang sinasabi nito? "Anong mabantayan ang pinagsasasabi mo diyan! Ano ako? Sanggol para bantayan mo?" Masungit kong sabi.
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Yeah. You're my baby" Pilyong sabi niya.
Inirapan ko naman siya. "Ang ano mo. Nakakarindig ka ng balahibo kamo!"
Ang labo ng gagong ito. Ang corny pero bwisit kasi bakit ba nagtatatalon ang pesteng heart heart ko sa mga simpleng banat niya?! Nakakainis ha!
Ako ata ang malabo dito a.
Tumawa naman siya. "Ang sungit mo naman, misis!"
"Sungit mo mukha mo, tse!"
Humalakhak siya.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Shit na malagkit! Ang gwapo talaga ng mokong na ito. Ang sarap hambalusin ng walis tambo dahil masyadong nang-aakit ang kaguwapuhan!
Ayun tuloy! Siya naman ngayon ang puntirya ni Franchesca at ng alipores niya! Kumukulo ang dugo ko kapag naaalala ko kung papaano titigan ni Franchesca si Yro! Para ba kamong may masamang binabalak dahil sa sobrang lagkit ng pagtitig niya sa kanya. Gad, I hate it!
Huminga ako ng malalim. "Tara na sa loob" Tumango naman siya at sumabay na sa lakad ko.
DALAWANG ORAS pa lang ang nakalilipas mula noong umalis si Kuya nang makita ko sila ni Ate Laira sa pintuan. Ang bilis naman!
Binalingan ko si Yro na kasama kong nanonood. "That fast?" Mulat na mulat kong tanong. He nodded. "I hired the best pilot" Saad niya na ikinangiti ko. "Thank you" Nakangiting sabi ko. He smirked. Wala na akong masabi. Mayaman e.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
