.
.
.
.
.
babawi ako sa kilig, soon
💜
🍎
NAKASANDAL ang likod ko sa puno habang hinihintay si Gavin na bumalik. I texted Thea na medyo mahuhuli akong makakabalik sa kwarto namin. Binanggit ko na rin sa kanya na kasama ko si Gavin para hindi na 'yon mag-alala.
Napangiti ako nang makita si Gavin na papalapit sa puwesto ko kaso natigilan siya dahil may isang estudyante na nagpa-picture sa kanya. Natawa naman ako nung makitang hindi man lang siya ngumiti hanggang matapos magpapicture ang bata.
Kanina, iniyak ko na lahat kay Gavin. Kahit man lang sa ganoong paraan, mailalabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Nakakatakot isipin na maaaring magbago ang lahat dahil lang sa pagmamahal ko kay Yro. Kung sana lang pinigilan ko ang sarili ko ng mas maaga. Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya, hindi sana magkakaganito ang lahat. Sana hindi ako umiiyak. At hindi sana ako nasasaktan ngayon.
I never thought I can be this misserable just because I fell for Yro. Kahit kailan, hindi ko nakita ang sarili kong mahalin si Yro ng ganito kalalim. Pero ito na ang katotohanan, nagpapakatanga ako para sa kanya. Hinayaan kong saktan niya ang damdamin ko. I let him ruin me and I hate him for that. But truth is, I hate myself more for giving all of my love to Yro.
Simula bata ako, ang tingin ko sa pag-ibig, isang fairytale. Siguro dahil na rin sa magandang relasyon ng mga magulang ko, nasabi ko na masarap sigurong magmahal. Akala ko kapag nagmahal ka, magiging masaya ka na. Tipong hindi mo na binibigyang pansin ang iba dahil nagmamahal ka. Kaso, mali ako. Dahil kapag nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka. Iiyak at iiyak ka. Kahit may titulo ka pa sa propesyon mo, kahit deans lister ka, kahit gaano ka pa kagaling o katalino, kapag nagmahal ka, nagiging bobo't tanga ka.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa sinabi kay Gavin ang tungkol sa nangyari. Hindi rin siya nagtanong, laking pasasalamat ko na rin. Tahimik niya lang akong niyakap at hinayaang umiyak kahit basang-basa na ang suot niyang polo. Hindi siya nagreklamo.
Ngumiti siya ng makalapit siya sa akin. "Here" Aniya at inabot sa akin ang isang fresh buko na may straw. "Salamat" Tipid kong sabi ng maupo siya sa tabi ko.
"Anong gusto mong gawin ngayon? Sabihin mo lang, gagawan ko ng paraan" Saad niya kaya napatingin ako sa kanya.
Natawa ako. "Talaga lang ha"
Ngumisi siya at tumango.
Umakto akong nag-iisip, kunwari. Nakatitig lang siya sa akin habang sumisipsip siya sa straw ng buko niya. "Kung sasabihin mo bang gusto kitang mapanood languyin ang dagat mula dito hanggang sa kabilang isla, gagawin mo?"
Naramdaman kong nanigas siya. Tumigil siya sa pagsipsip sa iniinom niya at itinagilid niya ang ulo niya. "Hindi pa nga kita naliligawan ng maayos, pinapatay mo na ako?" Kunot-noong tanong niya na nagpatawa sa akin.
Napansin kong napangiti siya nang marinig ang tawa ko. "Pero kung gusto mo 'yon, gagawin ko. May talent naman ako sa swimming"
"Nagbibiro ka na naman diyan Ga—" Natigilan ako nang tumayo siya at sinimulang alisin ang pang-itaas niya. Nanlalaki ang mga mata ko. "Gav! Anong ginagawa mo?!"
He glanced at me. "Kung iyon ang gusto mo, gagawin ko. Lalanguyin ko papuntang kabilang isla"
Seryoso? Pinakatitigan ko ang mukha niya ng mabuti para siguraduhin kung nagbibiro ba siya pero base sa pagkadesidido na nakaukit sa mga mata niya, alam kong seryoso siya.
Hinila ko siya paupo at tinampal ang hita niya. "Gavin naman e! Nagbibiro lang ako!"
I groaned. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ako ang tinatakot mo sa mga ganyan mo, Gav! Subukan mong sundin aang biro ko, ako mismo talaga ang papatay sa'yo" Banta ko ng naka-ungot.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
Roman d'amourR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
