Chapter 48

115K 2.6K 568
                                        




🍎

RAMDAM ko ang malakas na ihip ng hangin na tumatama sa balat ko. Awtomatikong napangiti ako nang maramdaman ang haplos ng mainit-init na tela na yumakap sa katawan ko. "Ang lamig pero wala kang jacket. Baka diyan ka pa makakuha ng sakit" Tumama ang mabango niyang hininga sa batok ko.

Liningon ko siya.

Pinasuot niya sa akin ang jacket niya na sobrang mainit sa pakiramdam. "Thank you, love" Masayang sabi ko ngunit parang nanigas siya.

He gulped. "P-paki ulit.."

Gusto kong matawa sa reaksyon niya ngunit pinigilan ko. Alam ko kasi ang rason sa pagkabigla niya. Inulit ko pa din. "Thank you, love.."

Pumorma ang isang masayang ngiti sa labi niya. Napangiti ako ng bigla ay ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. "Fuck..that sounds so good" Mahinang sabi niya na ikinatawa ko.

"Bakit? First time ba kitang tawaging love?"

Pumaikot sa baywang ko ang mga kamay niya. "Oo. Noon ko pa hinihintay na sabihin mo 'yan" Parang batang sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko.

Mahina akong natawa. "Talaga?" Panunukso ko.

He groaned. "Don't tease me, reyna ko. Kundi susunggaban kita ng halik" Banta niya mas ikinatawa ko.

Ang cute niya. Hindi ko siya tinatawag ng mga endearments kasi pakiramdam ko alien sa dila ko ang mga tawagang ganun. Pero kapag si Yro, walang atrasan ang dila't bibig ko. Kung papaano ba kasi at patay na patay ako sa mokong na 'to.

Humarap ako sa kanya at tumingkayad para halikan siya sa labi. And when I did, mabilis siyang tumugon. He even groaned before dominating the kiss.

Hinihingal kami nang pakawalan na niya ang labi ko. "Dammit woman.." Mahinang bulong niya na ikinalawak ng ngiti ko.

"Umagang-umaga, ang hahalay niyo! Putang ina, tara na nga!"

Napangiwi ako dahil sa narinig na pagbubusangot ni Red bago kami nilampasan.

"Bakit ba ang bitter ng taong 'yun e kasal na siya?" Nagtatakang tanong ko kay Yro na ngayon ay inaayos ang nagulo kong buhok dahil sa malakas na hangin.

Yung mukha pa niya, halatang tutok na tutok sa ginagawa.

"It was an arranged marriage. Red wasn't ready for it but his father insisted" Simpleng tugon niya sa akin kaya napatingin ako sa gawi ni Pula na ngayon ay kausap si Ivo. Never ko pang nakita ang asawa niya. Maski sa mga parties na nagaganap sa bahay ng mga Callens, ni anino ng asawa ni Pula, wala akong nakita. Hindi rin siya pinapakilala sa amin ni Red. Maybe, soon.

.

.

.

LAMPAS alas nuwebe na ng umaga ng makarating kami mismo sa bahay. Napabalis ang dating namin sa Maynila dahil ginamit namin ang mga pribadong jets ng magkakaibigan. Ganun na nga talaga ang malapit sa mayayaman na tulad nila, nadadali na rin sa pagka-instant ng mga bagay-bagay. Instant transportation kaya mabilis kaming nakarating dito.

"Good morning, family!" Masayang bungad ko nang buksan nila mama ang pintuan.

"Hindi kami bingi anak! Lakas mo makasigaw!" Sagot sa akin ni Mama bago ako dinamba ng yakap na siyang ikinatawa ko naman.

Pagbaling ko kay Tatay, may masayang ngiti rin sa labi niya tulad namin ni Nanay. "What's up 'Tay?" Bungad ko tsaka naman siya niyakap. Rinig ko ang pagtawa niya. "Na-miss ko ho kayo!"

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon