.
.
🍎
NAPANGIWI ako habang kaharap sina Caileen, Iya, Mia, at Althea. Sila Yro nasa labas, nagku-kwentuhan. Wala sina Hunter, Gavin, at Blue. Hahabol raw ang mga ito kapag natapos nila ang trabahong ginagawa. Pero tingin ko, hindi darating si Hunter. Masyadong busy ang taong 'yun e.
"Asan ang phone mo?" Taas kilay na tanong ni Thea.
"Nasa taas..."
"BRUHA KA! Pinag-alala mo kami! Alam mo bang todong-todo na ang gigil ko sa'yo ngayon?! Ni hindi mo sinasagot ang mga text at tawag namin sa'yo!" Wala na, sumabog na siya.
Ngumuso ako.
Tumawa naman sina Iya sa tabi.
"Althea pumirmi ka nga!" Ungot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Sorry na nga kasi!" Dugtong ko pa na inirapan naman niya.
Pinagmumura ko si Yro sa isip ko! Ang sabi ko sa kanya, huwag niya akong iwan kasama si Thea e! Pero ano?! Iniwan niya ako at sumama kila Killion!
Saktong dumating si Ate Laira at Tita Gina na may dalang meryenda. "Salamat po" Pasasalamat ng mga kaibigan ko.
Naupo si Ate Laira sa tabi ko. Si Tita Gina naman nagpaalam dahil pupunta daw ng bukid.
Ngumiti ako at pinakilala ang mga kaibigan ko. Nagsingitihan naman ang mga ito. "Guys, si Ate Laira, girlfriend ni Kuya" Ani ko. Madali kaming nakisabay sa isa't-isa. Nagkuwentuhan kami hanggang sa napatayo ako para kumuha ng juice. Napangiwi ako dahil humapdi na naman ang hiwa ko. Nagsalita si Thea, "Bakit ganyan ka maglakad?" Nakakunot noong tanong niya habang nakatingin sa hita ko. Pati sina Iya pumorma ang kunot sa noo nila habang nakatingin sa ginawa kong paglalakad.
Naupo ako. Shit! Nahalata ba nila?
Humalukipkip siya pakiramdam ko nabingi ako sa narinig. "Hindi ka na virgin, no?" Biglang tanong sa akin ni Thea.
"Althea.." I warned.
Ngumisi siya. "Masyadong blooming ka e! Tapos paika-ika kang maglakad! Balita ko, kayo na daw ni Qazvin" Aniya.
Jusko nandito pa naman si Ate Laira!
Natawa sina Caileen sa tabi. "Naisuko mo na nga ang bataan ano, Brie?" Nanunuyang segunda ni Caileen na sinasabayan ang trip ni Thea tungkol sa puki ko.
Namula ang pisngi ko. "Mukhang napuruhan ka ni Yro a" Uyam ni Thea.
"Stop it!" Pikon kong sabi at narinig ang paghalakhak nila.
"Kaya ba tinanong mo sa akin kung may narinig ba akong kakaiba sa kuwarto mo kagabi?" Pagsasabay ni Ate na mas lalong ikinamula ng pisngi ko. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"So kagabi ka lang na-deverginize?" Gulat na tanong ni Iya.
I groaned and glared at all of them. "Shut the fuck up, all of you!" Nangigigil kong sabi bago nakita si Yro na pumasok sa sala.
He frowned at me. "Bakit ka nagmumura?" Tanong niya habang palapit sa akin.
Inisa-isa kong sinamaan ng tingin ang mga kaibigan ko. "Oops!" Sabi ni Mia kaya pinandilatan ko siya. Pigil tawa naman ang mga kaibigan ko nang tuluyang makalapit sa akin si Yro.
Sumimangot ako kay Yro. "Kasalanan mo. Bakit mo ako iniwan kasama sila?" Nang-aakusang bulong ko. Mahina siyang natawa at ninakawan ako ng halik. "Because I know you missed them" Sagot niya.
Binalingan niya sina Thea na ngayon ay may pang-uuyam na nakaukit sa mga mata nila. "Why is she cursing?" Tanong ni Yro sa mga ito.
Binigyan ko sila ng mga nagbabantang tingin. Subukan nilang sabihin, isusubo ko ang buong tinapay na meryenda namin sa bunganga ng sino mang magsasalita.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
