❤️
🍎
HIMINGA AKO ng malalim. Nasa isang club kami ngayon nila Caileen. Sumisimsim ako sa juice na hawak ko. Hindi na ako umorder ng kahit naong alak. Pinagbawalan na rin ako nila Caileen. Kasama nito ang asawa niya. Katabi ko naman si Thea na may ka-chat sa messenger.
Ilang sandali pa ay inisang lagok niya ang natitirang alak sa baso niya tsaka tumayo. "May nakita akong gwapo. Sayaw lang muna ako" Bulong niya sa akin na tinanguhan ko naman saka siya umalis.
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan. Pakiramdam ko parang pagod na pagod ako kahit hindi naman.
"Ivo pare, asan na yung kasama mong photographer?" Rinig kong tanong ng isang 'di ko kilalang lalaki kay Ivo na ngayon ay may isang babaeng nakapulupot ang mga kamay sa braso niya. Kumunot ang noo ni Ivo. "You mean Franco?"
I frowned. Kung hindi ako nagkakamali, parang kilala ko ang sinasabi niyang Franco.
May pilyong ngisi sa labi ni Ivo noong tumango ang eatranghero. "He got out from the hospital last week after being beaten like shit" Kibit-balikat ni Ivo. Anong sinabi niya? Beaten? Sino namang bubugbog sa kan—
Namutla ako.
Si Yro ba?
Tumango ang lalaki sa sinabi ni Ivo at nagpaalam na paalis. Ivo turned to me with a wicked grin plastered on his lips. "Something's bothering you, Briane?" Tanong niya at halata ko ang mapag-uyam na tinig niya.
I glared at him. "Wala naman" Pinasiglang sabi ko at ginantihan siya ng pekeng ngiti na nagpatawa sa kanya.
He smirked before turning his attention to the woman beside her who's glaring at me. Inirapan ko naman ito. Yung paraan ng pagtingin niya parang kukunin ko si Ivo niya. Duh! Gusto ko ngang sipain si Ivo dahil sa malokong ngiting meron sa labi niya ngayon e!
Matalim niya akong tinignan kaya tinagilid ko ang ulo ko at tinapatan ang paraan ng pagtitig niya. Kung dukutin ko kaya 'yang mga mata niya! Ang sama makatingin, di naman nakakatakot!
Napatingin ako kila Killion at Mia na kadarating lang. He looked at me. "Asan sina Yro?"
Sa pagbanggit niya ng pangalan ni Yro, para ba kumbaga may sumaksak dito sa parteng dibdib ko. Tumikhim ako at ngumiti. "Hindi ko alam" Baka kasama na naman niya si Eleina. Truth sucks.
Kumunot lang ang noo niya at laking pasasalamat ko na hindi na siya nag-komento pa. Nag-aalala ako sa sarili ko na baka kapag nagtanong pa siya, mahahalata nila ang pait na meron sa boses ko. Baka hindi ko maitago ng husto ang sakit sa mga mata ko kung pag-uusapan namin ang tungkol kila Yro.
"You are not allowed to drink, Mia. I told you"
Napatingin ako sa banda nila Killion dahil sa narinig kong matigas na tinig nito. Napangiti ako nang masilayan ang pag-irap na iginawad ni Mia kay Killion. "Kasama naman kita a! Kaya bakit hindi pwede kung konti lang naman ang iinumin ko?!" Reklamo nito.
Huminga ng malalim si Killion. "Because I don't trust myself when I'm with you. Mas lalo na kapag lasing ka"
I looked away and smiled. Mukhang tinamaan na nga si Killion. Masyado ng cheesy kapag sumasagot.
"Please Killion...just one shot?"
I heard Killion sigh at sunod kong narinig ang pagpalakpak ni Mia saka niya inabot ang isang baso ng alak.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
