vote and comment for more updates kung gusto
niyo ng BS scenes sa next chapters lol
ANG TANONG, gusto niyo nga ba?
😅
🍎
BUONG lakas ko siyang itinulak upang makawala sa hawak niya. At ng magawa ko, mabilis akong tumakbo sa direksyon ni Yro at napakapit sa braso niya upang kalmahin ang kabado kong katawan.
Naramdaman ko ang awtomatikong pagpulupot ng kamay ni Yro sa baywang ko na unti-unting kinalma ang sistema ko. He looked at me. I saw worry in his eyes. "You okay?" Nababahalang tanong niya at itinuon sa akin ang lahat ng atensyon niya.
Umiling ako.
Pasimple kong nilingon ang gawi ni Paulo at nakitang may mala-demonyong ngisi ang naglalaro sa labi niya habang nakatingin sa akin at kay Yro.
Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Yro habang nakatingin sa direksyon ni Paulo na ngayon ay nag-iwas ng tingin.
Naramdaman kong mas humigpit ang pagikot ng mga kamay ni Yro sa baywang ko. Ibinalik niya ang tingin sa mga kausap. "Excuse us for a moment..." Paalam niya at nagpatianod ako sa kanya nung igayak niya ako sa isang madilim na sulok.
"Tell me what happened" Malamig niyang sabi. Napakapit ako sa batok niya.
His arms wrapped around my waist, possessively.
Umiling ako. "H-huwag na..."
Narinig ko ang pagmumura niya. "Yro" Mahinang asik ko at pinagdikit ang noo namin. "You have to tell me what's bothering you, Briane" Mahinang sambit niya.
Nanghihina kong dinakma ang damit niya. "Si P-paulo"
His eyes darkened almost instanly. "What did he do?"
Nakaramdam ako ng kilabot sa kakaibang tono ng boses niya. "Did he touch you?"
Napakagat-labi ako.
Umigting ang panga niya. "Shit!"
Mabilis ko siyang niyakap. "Kumalma ka, please..." Mahinang bulong ko. "I'll fucking kill that asshole" tiim bagang niya. His voice sounded menacing.
Gusto kong alam lahat ni Yro. Ayokong magsinungaling. Kasi sa tingin ko, kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, maiiwasan ang kahit na anong komplikasyon sa hinaharap.
Napapikit ako ng mariin habang pinakiramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa akin. "Hinawakan niya lang ako sa baywang. He told me he still wants me" Pagtatapat ko at lumayo ng konti para matitigan ang mukha niya.
Hindi ko na binanggit ang pagdampi ng labi ni Paulo sa leeg ko. I know Yro and his uncontrollable temper.
Tinablan ako ng kaba ng makitang gumalaw ang panga niya. Mas dumilim ang mukha niya at bumangis ang paraan ng pagtingin niya. "He fucking what?" Walang buhay niyang tiim bagang.
Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya para pakalmahin siya. "Kain na lang tayo, please?" Pag-iiba ko ng usapan dahil parang nanginig ang tuhod ko sa takot dahil sa nakakamatay na tingin niya.
I heard him inhale sharply. Naramdaman ko ring kumalma siya kaya naman nag-angat ulit ako ng tingin para salubungin ang tingin niya.
Napangiti ako ng makitang lumambot ang tingin niya sa akin. He sighed.
Saktong lumapit sa amin si Tita. "Hali na kayo at kumain na tayo" Pag-aaya niya na tinanguhan ko.
"Sige po"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
