Chapter 38

111K 2.7K 506
                                        

🍎

NAGPATULONG ako kila Ivo na buhatin ang gagong naglasing ng sobra. Nasa tapat na kami ng unit ni Yro nang balingan ko si Eleina ng tingin dahil hindi niya pa ine-enter ang code ng unit ni Yro para makapasok kami. I was waiting for her to open it. "Eleina, buksan mo na" Saad ko.

Gumuhit ang hindi ko maipaliwanag na emosyon sa mukha niya. "H-hindi ko alam ang password niya" Pilit pinatatag niyang sabi.

Napaawang ang labi ko. Anong tipong girlfriend ang hindi alam ang passcode ng unit ng boyfriend niya? Hindi ba sinabi ni Yro sa kanya?

Pagtingin ko kila Blue at Ivo, tahimik lang ang mga ito pero may kung anong meron sa mga mata nilang 'di ko matukoy-tukoy. "Hindi rin namin alam. This lunatic never told us" Makatotohanang sabi ng mga ito.

Tumango na lang ako bago ini-enter ang code ni Yro. Bumukas ang pintuan, diretsong pinasok nila Ivo ang kaibigan nila habang panay ang mura nila dito.

Kunot noong binalingan ko si Eleina. "Anong nangyari at naglasing siya?" Diretsahan kong tanong at napatingin sa phone ko para tignan kung anong oras na. Baka nandoon na si Kuya Sinc mamaya't-maya.

Umiling si Eleina. "Hindi ko alam" Tanging sabi niya kaya nagpabuga ako ng marahas na hininga. Papaanong hindi niya alam kung sila-sila ang magkasama ni Yro!

Fifteen minutes na lang, susunduin na ako ni Kuya sa bahay.

"Tanginang lokong 'yon! Kapag iyon nagising, mapupuruhan talaga siya sakin! Fuck!" Naiinis na mura ni Blue habang papalapit sila ni Ivo sa amin. Kakatapos lang nilang ihatid si Yro sa kwarto nito.

Napatingin ulit ako sa phone ko. Nag-angat ako ng tingin. "Ivo, bakit naglasing si Yro?" Malay ko alam nila.

Ngunit gayon na lamang ang pagbagsak ng balikat ko nang umiling siya. Tumingin ako kay Blue na nawalan ng imik. "Alam mo ba?"

"Alam ko pero hindi ko sasabihin. Siya nalang tanungin mo bukas" Desididong pahayag niya.

Umiling ako at tumingin kay Eleina. "Can you take care of Yro?" Tanong ko.

Para siyang nanigas. "Ayaw niyang nagpapahawak, kanina pa. He scares me"

Napatitig ako sa kanya. Kailan pa natakot itong si Eleina kay Yro? E diba nga siya yung halik ng halik dito? Nalukot ang mukha ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Tas ngayon, natatakot siya kay Yro?

"You can try" Ani ko sa kanya. Ngumiti siyang peke at tumango.

Tinawag ako ni Ivo. "Dito lang kami sa sala. Dito na rin ako matutulog. Just please fix him up, he puked on his shirt and it stinks" Mahina akong natawa saka tumango.

I don't have enough time if I stay here longer than five minutes. Medyo may kalayuan pa naman ang bahay namin dito sa unit ni Yro.

Unang pumasok si Eleina sa kwarto ni Yro. Sumunod lang ako at hinintay siyang kumilos para alagaan si Yro. Lumapit siya dito at sinubukan niyang alisin ang suot nitong pang-itaas.

Yro groaned. "Get the fuck away..." Malamig nitong sabi kay Eleina kahit pa nakapikit.

Napailing ako bago tinahak ang daan patungo sa kusina ni Yro. Kumuha ako ng bimpo at medyo pinuno ng tubig ang basin tsaka iyon dinala sa kwarto niya.

"We should get rid of your shirt, Yro" Wika naman ni Eleina at sinubukan ulit tanggalin ang suot ni Yro pero pumalag ito.

"I said go away!"

Napapitlag si Eleina at lumayo.

Sinamaan ko naman ng tingin si Yro na nakadapa sa kama niya. He looked like a mess. "Ilang bote ng alak ang nainom neto?" Tanong ko kay Eleina na tinaasan ako ng kilay.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon