Kaway-kaway po sa mga OFW's diyan. Saludo po ako sa inyo👏
Ipon lang po ng ipon para kapag nakauwi na kayo dito sa Pinas,
hindi na kayo babalik diyan at makakasama niyo na ang pamilya niyo ng mas matagal.
😄
🍎
KADARATING ko lang sa bahay nila Kuya. Pumunta kasi akong palengke dahil bumili ako ng ilang idadagdag na ingredient para sa iluluto naming pagkain mamayang tanghali.
Iniwan ko si Yro. Hindi naman ata niya gagawin 'yung sinabi ko. Imposibleng tatapusin niya iyon kahit manliligaw ba siya kamo. Malakas ang sikat ng araw e tsaka malayo pa ang igiban ng tubig.
Tuluyan na akong nakapasok pero natigilan ako dahil nakita ko si Kuya na naiiling habang naglalakad. "Kuya" Tawag ko sa kanya.
Pagtingin niya sa akin sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ngayon ka lang dumating?! Kanina pa kita kino-contact pero out of reach ka!"
Bakit galit?
Nakalimutan kong buksan ang phone ko e nakapatay pa iyon.
Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ba? May problema ba?"
Hinilot niya ang sentido niya.
"TANGINA PRINCESS, maawa ka naman sa manliligaw mo!" Sita sa akin ni Kuya. Maawa? Namutla ako sa narinig.
"B-bakit? Asan ba siya?"
He glared at me. "You're asking that? E diba nga ikaw ang nag-utos sa kanyang punuin ang dambuhalang drum sa labas?!"
Nanigas ako. "Don't tell me..."
Inismiran ako ni Kuya. "Well, new flash, he's taking it seriously, princess"
Nanlalaki ang mga mata kong tinakbo ang kusina.
Nagpabuga ako ng marahas na hangin. Limampung minuto na ang nakalilipas simula ng umpisahan ni Yro ang pag-iigib sabi ni Kuya. Hinihintay daw niyang tumigil ito at sabihin sa aking ayaw na niya pero hanggang ngayon, wala akong naririnig kahit isang reklamo mula sa kanya. Sobrang init rin ng sikat ng araw.
"Hindi pa 'yan humihinto. Nagprisinta akong tumulong pero ang gago, ayaw akong tulungan siya. Sabi niya, inutos mo raw ito sa kanya kaya mag-isa niyang gagawin para sa'yo. Talagang gustong tapusin ang pinapagawa mo" Binalingan ko si Kuya na ngumisi. "Bilib na talaga ako diyan sa manliligaw mo" Saad niya at iniwan na ako dito.
Pumikit ako ng mariin. Bakit hindi ka tumigil?
Tinablan ako ng konsensya ko.
Bumuntong-hininga ako at mabilis pinuno ng tubig ang isang baso bago ako mabilis na lumapit kay Yro. Kakatapos lang niyang ilagay ang laman ng isang lalagyan tapos isinunod naman niya 'yong isa.
He's sweat is dripping continuously. Tapos basang-basa na rin ang damit niya dala ng pawis niya.
"Hey..." Tawag ko. His eyes instantly found mine. Bakas ang saya sa mukha niya ng makita niya ako. "Bakit nandito ka? Dun ka sa loob para hindi ka mainitan" May pag-aalalang sambit niya.
Napaawang ang labi ko. Ako pa talaga ang inaalala niya e siya nga itong pawis na pawis at pagod dahil pinag-igib ko siya at inutusang punuin ang isang malaking tangke!
Iniabot ko sa kanya ang hawak kong baso. Ngumiti naman siya at tinanggap iyon. Napatingin ako sa tangke at ganun na lamang ang gulat ko dahil masasabi kong puno na ito. He did it. He actually did it.
Tuluyan akong kinain ng konsensya ko. Pagkatapos niyang inumin ng diretso ang lahat ng laman ng baso, kinuha ko iyon sa kamay niya at inilapag sa tabi. Tahimik akong lumapit sa kanya at sinimulang punasan ang mga tumutulong pawis niya gamit ang panyo ko.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
Roman d'amourR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
