Chapter 45

123K 2.8K 585
                                        





🍎

PAIKA-IKA akong naglalakad dito sa kusina. Kakagising ko lang kanina, iniwan ko na si Yro doon sa kwarto.

Naalala ko ang nangyari kagabi. "Shems, ang beasty sa kama.." Bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpla ng gatas.

Hindi ako makapaniwalang kahit lasing siya, he was able to take me a lot of times. Grabe! Kaya nga puyat ako dahil kulang ako ng tulog!

He was so insatiable last night.

Napalunok ako nang lumitaw sa isip ko ang hubit-hubad na si Yro. Sobrang laki niya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang hapdi ng puki ko. Sinubukan kong maglakad ng hindi napapangiwi pero bigo ako. Napadaing ako nang nakakatatlong hakbang pa lang ako palabas ng kusina, humapdi ang hiwa ko.

I groaned. Kinagat ko ang labi ko at sinubukan muling maglakad. Nagulat naman ako nang mag-angat ako ng tingin, mukha ni Ate Laira ang nakita ko. Nakakunot ang noo niya. "O, anong nangyari sa'yo?" Tanong niya habang pagbaba ng hagdan.

Ngumiti ako para hindi mahalata. Shet! "Uhm m-may narinig ka ba kagabi sa kwarto ko?" Tanong ko at tumikhim pa dahil may kabang nakalakip sa boses ko. Baka mahalata niya.

Mas nagsalubong ang magkabilang kilay niya. "Wala naman bakit?" Sagot niya. Napapikit ako sa sobrang pasasalamat. "Sabi sa akin ng Kuya mo, ginawa niyang sound proof ang lahat ng kuwarto dito" Dugtong pa niya na mas ikinalaki ng ngiti ko.

Nakahinga ako ng maluwag. E sa sigurado akong ang ingay ko kagabi kakasigaw at ungol! Buti na lang at sound proof! Pasikreto kong pinasalamatan si Kuya sa isip ko.

Napabaling ang tingin namin ni Ate sa pintuan nang dumating ang mag-asawa. "Magandang umaga ho" Bati naman namin ni Ate.

Ngumiti silang pareho. "Tanghali na mga bata" Sabi nila na ikinalaki ng mga mata namin ni Ate.

"Tanghali na ho?!" Tanong namin.

Tumawa sila. "Alam kong napuyat kayo pero kasi may laro mamaya doon sa paaralan. May basketball game e kasali si Sinc" Sabi ni Tita. Bumaling siya kay Ate Laira. Maski si Tito. "Kaya hija, naku, gisingin mo na ang batang iyon dahil siya na lang ang wala doon" Sabi ni Tito.

Magalang na ngumiti si Ate. "Sige po, gigisingin ko na ho si Sinc" Sabi niya at tumakbo na sa itaas.

Tumingin naman sila Tita sa akin. "Pwede mong isama si Yro para mapanood naman niyang maglaro ang mga probinsyano" Ngumiti ako sa narinig.

"Oo naman po. Sasama kami" Atubiling sagot ko bago na umakyat rin sa itaas.

Nadatnan ko si Yro na nakadapa sa kama. Natutulog pa ito. Napangiti ako at napainom sa gatas.

Lumapit ako sa kama, naupo sa gilid, at walang hiyang tinitigan ang natutulog niyang muka. Mahaba ang pilik mata niya. Matangos ang ilong. Mapupula ang mga labi. Makinis ang balat.

"Sobrang gwapo..." Bulong ko.

Napakagat labi ako at inilapag muna ang basong hawak ko sa malapit na lamesa tsaka nahiga sa kama. "Mahal na hari, bangon na po" Sinundot-sundot ko ang dibdib niya. Ang titigas.

Natutuwa akong napangiti nang magmulat siya ng mga mata. He pulled me by the waist and burried his face on the crook of my neck. "Five minutes..." Paos niyang sabi. His bedroom voice sounded so sexy.

Nailing ako at pinaglaruan ang buhok niya. Naramdaman kong mas isiniksik niya ang mukha sa leeg ko dahil sa ginawa ko. "May basketball game daw doon sa paaralan mamaya. Sama tayo" Imporma ko.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon