🍎
TAHIMIK AKO sa tabi habang kumakain kami. Kakapasok namin kanina pero lutang pa rin ako hnaggang ngayon. Si Kuya Sinc na ang nagpakilala kay Yro kila Tita Gina. Ang saya pa nitong makita si Yro. When he asked kung bakit nandito siya, ako ang naging sagot ni Yro. Na-miss niya raw kasi ako ng sobra na siya namang naging umpisa ng panunukso ulit ni Kuya sa akin.
"Ang sarap naman ng luto nito" Rinig kong komento ni Kuya habang ngumunguya.
I looked at Yro. He was smiling the whole time while eating.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa plato ko.
"Hija, okay ka lang ba?" Napukaw ang pag-iisip ko sa tanong ni Tita. Tumingin naman sa kanila at nakitang nakakunot ang noo nila. "Uhm wala po. May iniisip lang" Nakangiting sagot ko na tinanguan nila. Pagtingin ko kay Kuya, halatang hindi siya kumbisado dahil sa nanunuksong tingin na binibigay niya sa akin. Inirapan ko naman siya bago binalingan si Yro na ngayon ay kumakain pero may kakaibang kislap sa mga mata niya.
I mentally groaned.
Buwiset! Siya ang may kasalanan nito e!
Because I love you...
I love you so damn much, Briane Castellera...
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara ko. 'Dammit Briane! Stop thinking about it!' Pangangaral ko sa sariling isip ko.
Kapga kasi naaalala ko ang nangyrai kanina, parang may concert na nangyayari dito sa may bandang dibdib ko. Ayaw patigil sa pagtibok ng malakas! Kinakabahan nga ako dahil baka maski sila marinig dahil sa lakas ng tibok nito.
Nagpatuloy ako sa pagkain pero labis akong nagugulat dahil sa bilang ko, nakatatlong kuha si Kuya Sinc at Yro ng kanin at sinigang na ulam. Sina Tita at Tito naman ang afritada ko ang nilalantakan.
Napailing na lang ako at kumain na rin.
.
.
.
NASA SALA kami ngayon ni Tita. Nanonood kami ng Sarah at John Lloyd, You Changed my Life in a Moment. Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan. Noong una, ayaw ni Tita at pinagalitan pa ako dahil bisita raw ako dito at hindi katulong. But I insisted. Hindi naman porke bisita ako, para na akong Donya kung dapat tratuhin. Pinalaki akong maayos ng mga magulang ko at laking pasasalamat ko sa kanila dahil alam ko ang mga responsibilidad ko ngayon. Sa huli, pinayagad niya rin ako kasi talagang gusto kong ako ang maghugas.
"Pare, dun ka na matulog sa tabi ng kwarto ng pinsan ko" Sabi ni Kuya habang papalapit sila ni Yro sa pwesto.
Hindi ko sila tinapunan ng tingin hanggang sa maramdaman ko ang pagtabi ng isang presensya sa akin. Amoy niya pa lang, kilalang-kilala ko na. His scent is so intoxicating. So manly. Parang natural niyang amoy kaya ang bango sa ilong.
"Na-miss kita..." Bulong niya sa tenga ko na naghatid ng kakaibang boltahe ng pangangaligkig sa sistema ko.
Hindi ko siya pinansin at pinilit ang sarili kong ituon ang atensyon ko sa pinapanood namin. My heart is hammering inside.
"Princess..." Bumaling ako kay Kuya nang tawagin niya ako. May malademonyong ngisi sa labi niya. "Nakita ko si Paulo kanina, pinapatanong niya kung may boyfriend ka na daw" Sabi niya at pasimpleng tumingin sa katabi ko. Hindi ko sinubukang tignan si Yro.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
Lãng mạnR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
