Hi kay @mrkamor77 👋
enjoy❤️
🍎
ISANG LINGO na ang nakalilipas mula nung dumating kami ni Kuya dito sa probinsya. At ang sarap sa pakiramdam. Galing kaming bukid kanina. Mamayang tanghali naman pupunta kami sa palengke para bumili ng mga sangkap para sa nalalapit na kaarawan ni Kuya.
Napangiti ako. Yung klaseng ngiti bang masaya talaga ako. Wala akong kontak sa mga kaibigan ko mula noong umalis ako doon sa bahay. Hanggang ngayon, hindi ko pa binubuksan ang phone ko. Sinabi ko naman sa sarili ko na gusto ko munang mapag-isa.
Minsan pumapasok pa din sa isip ko si Yro ngunit talagang sinusubukan kong kalimutan ang mukha niya dito sa isip ko. Ang hirap. Pero nagagawa ko naman minsan.
"Briane, tara na hija" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo dito sa sala.
"Sige po Tita"
Paglabas namin ng bahay, napakunot ang noo ko nang makita si Kuya na kausap si Franchesca. Mas lalong lumalim ang gatla ng noo ko nang makita kong tumatawa si Franchesca habang pasimpleng humahaplos sa braso ni Kuya.
"Impaktang 'to" Busangot na bulong ko at napataas pa ang kilay nang may ibinulong si lokaloka kay Kuya.
Naningkit ang mga mata ko. Susmiyo! Kapag eto, nakita ni Ate Laira, good bye na si Kuya!
"Kuya!" Gigil kong tawag dahil hindi na ako nakapagpigil. Tumingin naman sa akin si Franchesca na halata ang asar sa mukha niya dahil sinira ko ang moment nila ni Kuya. Inirapan ko siya sa isip ko. "Tumawag si Ate Laira, sabi niya kung 'di ka titigil, papatayin ka niya" Joke lang naman. Nakapatay nga ang phone ko diba? Gawa-gawa ko lang 'yun pero gusto kong matawa dahil biglang namutla si Kuya. "She what?"
Iniwan niya agad si Franchesca at lumapit sa akin habang nilalabas ang phone niya. Tinignan naman ako ni Franchesca ng masama pero kunwari 'di ko 'yon nakita at binigyan ko siya ng halatadong plastik na ngiti. Hah! Kala mo! 'May Laira na ang Kuya kong, haliparot ka!' Gusto kong isigaw iyon sa kanya pero huwag na. Nagbago isip ko.
"Naku talagang bata ka!" Rinig kong bulong ni Tita na natatawa. I chuckled even more when Kuya started talking on his phone while glaring at me.
"Yes sweetheart. I am a good boy!" Ngumuso siya sa katawag. Sa peripheral vision ko, nakita ko si Franchesca na nalukot ang mukha. Buti nga sa'yo!
Sa huli ay ngumiti si Kuya. "I love you more, sweetheart. Balik din ako diyan in a week" Anito saka pinatay ang tawag at sinamaan ako ng tingin. I grinned. Hinila ko na si Tita paloob ng kotse. "Love you, Kuya!" Natatawang sigaw ko at binigyan siya ng isang flying kiss. Tawang-tawa naman si Tita sa tabi.
He just tsked and shook his head. May ngiting naglalaro sa labi niya. He then turned to Franchesca. "Ihahatid ko sina Mama sa palengke"
Nabura ang ngiti ni Franchesca pero agad niyang binawi iyon ng pilit na ngiti. "Ah ganun ba? Sige. Kita na lang tayo sa bahay mamaya"
Ano daw? Bahay? Si Kuya pupunta doon?!
Humalukipkip ako sa tabi. "Tita, tignan mo nga naman"
"Gusto nga kasi ni Franchesca ang kuya mo" Bulong naman ni Tita sa akin. Umasim ang mukha ko subalit napalitan iyon ng matagumpay na ngisi nang umiling si Kuya. "I can't. Tatawagan ko kasi ang grilfriend ko mamaya" Saad niya.
Napahalakhak ako noong pumasok na si Kuya sa kotse. Si Franchesca ay naiwang hindi maipinta ang mukha.
"Good job Kuya! Dahil diyan, may premyo ka sa akin!"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
