Chapter 34

97.9K 2.3K 312
                                        

🍎

"YRO, hindi pa nga siya bumabangon! Pwede bang umalis ka na muna?"

"I'll wait for her, Thea"

"May hangover pa 'yan kaya huwag mong istressin!" Nabangon ako sa naiinis na boses ni Thea.

Kinusot ko muna ang mga mata ko at napa-ungol ng maramdaman ang matinding sakit ng ulo ko. "Aww" Reklamo ko at isinubsob ang mukha ko sa unan.

"Briane"

Nanigas ako sa narinig na boses. Huminga ako ng malalim. "Get out, Yro" Walang buhay kong sabi at nakita kung papaano nagbago ang matigas niyang ekspresyon.

Imbis na lumabas, umiling siya at naupo sa isang silya malapit sa kanya. I blew a loud breath. "Lumabas ka muna Yro. Tatawagin kita pagkatapos naming mag-usap ni Thea" Malamig kong sabi at laking pasasalamat ko nung sinunod naman niya. He went out.

Padabog namang lumapit sa akin si Thea at inabot sa akin ang isang Advil. I took it, muttered a small thanks. Sunod niyang ibinigay ang baso ng tubig na kaagad ko namang ininom. "Kanina pa 'yan nandito. Ayaw umalis. Gusto ka raw niyang maka-usap"

I frowned. Pilit ko namang inalala kung anong nangyari kagabi pero wala talaga akong matandaan. "Ano ba ang nangyari kagabi?" Tanong ko habang hinihilot ko ang sentido ko. Wala akong matandaan na nangyari kagabi. Ang alam ko lang, sumama ako kay Thea doon sa party na pinuntahan niya.

Mukhang natigilan si Thea sa tanong ko. Lumunok siya. "Alam mo namang mahina ang tolerance mo ng alak e uminom ka pa ng tatlong shot"

Nanlalaki ang mga mata ko. "You let me?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. She has that gulity look on her face. "Hindi kita nabantayan kasi pumunta agad akong dance floor"

Napapikit ako. "Damn you, Althea Steel" Ngumuso ako. "Sorry na" Hinging tawad niya naman na tinanguhan ko.

I groaned. "Ano ba kasi ang nangyari?"

"Yro almost killed Gio" Walang patumpik-tumpik niyang sabi na mas ikinasakit ng ulo ko. "Ano?"

"Nakita niya kayong magkasayaw at kung saan-saan ka hinahawakan ni Gio kaya naman sinuntok niya ito. Hindi lang isang suntok. Ni hindi ko nga mabilang kung ilang suntok ang binigay niya sa kawawang lalaking iyon"

"Bakit walang pumigil sa kanya?!"

"Kung nakita mo lang ang mukha niya Brie, maski ikaw hindi mo gugustuhing lapitan siya. He was so ballistic! Para siyang makakapatay ng tao. Huli na ng dumating sina Ivo para ilayo siya kay Gio"

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga mapalad ko. "My god!" Nag-angat ako ng tingin. "My god, Yro!" Napasabunot ako ng buhok tsaka tinignan si Thea.

"Gusto mo bang tawagin ko siya? Maiwan ko na kayong dalawa" Tumango ako sa suhestiyon niya. Tumango rin siya bago lumabas. Napatitig ako sa dingding na nasa harap ko hanggang sa maramdaman ko ang presensya ni Yro na kakapasok lang.

His hair is disheveled and his eyes bore to mine, murderously.

Dapat makaramdam ako ng kaba, diba? Pero bakit ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay sakit? Parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga halik nila ni Eleina. And mga haplos niya kay Eleina. Kapag naaalala ko yung pag-iwan niya sa akin noong isang araw dahil kang tumawag si Eleina sa kanya, parang paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib ko.

Pinilit kong itago ang mga emosyon ko mula sa kanya.

"Why are you here?"

Tumiim bagang siya at hindi sumagot. Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata. "Kamusta na si Gio?"

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon