Chapter 37

107K 2.8K 468
                                        

🍎

TAHIMIK AKONG nanonood dito sa sala. "Peste kang palabas ka" Bulong ko sa hangin at pinatay ang tv bago marahas na pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.

Ang palabas kasi, yung main character na lalaki at nasasaktan dahil ikakasal na yung babaeng mahal niya doon sa isang mayaman na lalaki. Wasak ang puso niya tulad ko. Ano ba naman 'yan! Hanggang sa tv ba naman, inuuyam ako ng pag-ibig!

"Tama na Briane. Tama na" Ani ko bago ko inayos ang sarili ko. Tama na. Kailangan mo ng makalimot. You have to.

"Anak..."

Huminga ako ng malalim. "'Nay..."

Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Mama na malungkot na nakatingin sa akin. "Tatlong araw na ng makabalik ka dito galing sa outing niyo. At tatlong araw ka na ring tulala at walang imik. Sabihin mo sa akin kung ano man ang binubuhat mong problema anak"

"Ang sakit po pala na magmahal, 'nay" Pumiyok ang boses ko bago ko naramdaman ang mainit na yakap ni Mama. "Anak..." Bulong niya at kinulong ako sa bisig niya.

Mapait ako ngumiti. "Bakit kasi siya pa ang minahal ko 'nay? Bakit hindi pwedeng iba na lang?" Puno ng hinanakit kong tanong.

Sa pagkalas niya, inayos niya ang nagulo kong buhok tsaka niya ako binigyan ng isang makahulugang ngiti. "Hindi ko man alam kung anong nangyari, sa mga hagulgol mo gabi-gabi, sa mga tahimik mong pag-iyak, alam kong ang sakit ng pinagdadaanan mo. Briane anak, hindi nadidiktahan ang puso. At mas lalong hindi mo mauutusan ang puso mong mamili ng mamahalin. Kusang dumarating ang pagmamahal sa isang tao, anak. Kusa mo iyang nararamdaman kahit pa anong pigil mo diyan. Ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit. Hindi kailangang matumbasan ang binibigay mong pagmamahal. Pero ang huwag mong kalilimutan kapag nagmahal ka, unahin mo ang sarili mo. Huwag mong hayaang lunurin ka ng pagmamahal mo sa iba. Huwag mong hayaang ubusin nito ang kung anong meron kang natitirang pagmamahal sa sarili mo. Tandaan mo anak, masasaktan at masasaktan ka kapag ipinasok mo ang sarili mo sa pagmamahal sa iba. Pero mas matinding sakit ang pagdaraanan mo kung lahat na ng pagmamahal mo ay ibibigay mo sa taong mahal mo at wala ka ng itinira para sa sarili mo..."

Ngumiti siya sa akin. "Sabi nga diba, love yourself first before others. Dahil kapag wala kang tinira sa sarili mo, ikaw ang sobrang masasaktan sa huli. Hindi masamang magmahal, ang masama lang ay kung hinahayaan mo na ang sarili mong masira dahil lang sa pag-ibig"

Napayakap ako kay Mama sa sinabi niya. "Salamat, 'nay. Maraming salamat" Sabi ko nang medyo lumayo na ako ng konti sa kanya.

Kumalabog ang bandang pintuan kaya napatingin ako doon. At gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Kuya Sinc. "Kuya Pagong!" Tumakbo ako at yumakap sa kanya.

Natatawa naman niya akong niyakap pabalik tsaka hinalikan sa noo pagkatapos. "Kamusta na ang manipis kong pinsan?" Nakangiting tanong niya pero bigla'y nabura ang ngiting iyon ng matitigan niya ng maayos ang mukha ko.

Bumaling siya kay Mama. "Tita, sino nagpa-iyak dito at gugulpihin ko?" Seryoso niyang tanong kaya binatukan ko siya. "Kuya nga!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kamukha mo na si Lola. Ang laki ng eyebags mo. Ang payat mo na nga, mas pumayat ka pa. Halatang wala kang maayos na tulog. Now, tell me. Sino ang nagpaiyak sa'yo? Seryoso ako, Briane"

Umiling ako kaya naman mas tumalim ang paninitig niya. "Huwag mong hintayin na tawagan ko si Yro para malaman kung sino ang nagpaiyak sa'yo" Banta niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Oh god. E siya nga ang dahilan ng araw-gabi kong paghahagulgol, kuya!

"May pinapanood akong serye ng k-drama. Naiyak ako ng todo kasi ang tanga nung babae sa movie. Nagpapakatanga dahil sa lalaking mahal niya. Nasasaktan na siya pero mahal niya pa din ito. Ikinasal yung lalake sa ibang babaeng mahal nito. Ipinalangin naman ng babaeng main character na sana mamatay yung lalaking mahal niya at ang babae nito. Hayun nga. Namatay sila" Bulalas ng bibig ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko o kung papaano ko iyon naisip pero 'yun na ang nasabi ko. Wala ng bawian.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon