Chapter IV: Attraction
Marsh Lahm's Point of View
"Iha, kamusta ka naman?" Tanong sa akin ni Tita Maril habang piniprito yung hotdog. It's already 7 in the morning. At dumating ang parents ni Stacey sa La Casa kanina. I always been a morning person kaya 5AM pa lang ay gising na ako. Hindi din ako makatulog ng maayos dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata siya lang ang pumapasok sa isip ko. I barely know that man. Hindi ko din alam kung ano ang pangalan niya. I shrugged my thoughts away. At dahil hindi ako sanay na walang ginagawa tumulong ako sa pagluto ng agahan."Ayos naman po ako Tita." I said while mixing the batter. "How about Marco?" She asked. I looked at her and noticed the white hairs. She's already fifty-five. At mas matanda siyang kapatid ni Mama.
"He's fine Tita." I hope so. Yun sana ang gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang pamilya ni Stacey na lang ang natitira kong kamag-anak but I never asked for financial help. Tama na yung nagtatrabaho ako sa coffee shop na pagmamay-ari ni Stacey. Tinatanaw ko 'yun bilang isang utang na loob.
"You're already 25 right? Bakit hindi ka na magpakasal iha?" Bigla akong naubo sa sinabi ni Tita Maril. "Tita wala pa po sa isip kong magasawa." I chuckled. "Besides busy po akong magtrabaho para kay Marco." I added. "Alam niyo naman po ang sitwasyon ko."
"Oh dear, I'm sorry for your loss. Kung sana hindi na lang natuloy ang recital edi sana..." hindi na naituloy ni Tita ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Stacey sa kusina.
"Good morning." She said as she kissed her Mom on the cheeks and smiled at me. "Wow! Pancakes. I love pancakes." She said and winked at me. I mouthed thank you at pinagpatuloy ang pag stir ko sa batter. Napatungo na lang ako. I know Tita Maril is half blaming me for the death of her sister. My hands grip tightened quickly to the spatula I'm holding.
"Mom anong oras kayo dumating ni Dad?" Tanong ni Stacey habang sumisimsim ng kape na ginawa niya.
"6 in the morning, dear." Tita Maril has a soft voice. Na parang laging nakikipagusap sa isang toddler.
"Bakit hindi ka muna magpahinga Mom? May mga katulong naman dito. Sila na lang bahala ang magprepapre ng breakfast namin." Sabi ni Stacey. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang niluluto na ang pancakes.
"Oops. Binigyan pala ni Kelvin ng day-off ang mga katulong ngayon. Magpahinga ka na lang muna Mom at kami na lang ni Marsh ang bahala sa pagluto ng breakfast." Maril said at hinawakan sa balikat si Tita. Tama nga ang sinabi ni Stacey dahil kahit nakaupo ka lang sa byahe nakakapagod din. Tinanggal ni Tita Maril ang suot niyang apron at tumingin kay Stacey.
"Okay. Magpapahinga lang ako." And just like that, she exited the kitchen. Nakahinga ako ng maluwag.
"Sorry about that Marsh." Sabi ni Stacey. I shook my head. I couldn't bear to dwell on unhappiness now. "No it's okay. I know Tita Maril means well." I said at naglagay na ng plato sa dining table.
"Palagi na lang niya pinapaalala sayo ang mga nangyari. Why can't she just moved on from it. I love my Mom but I seems to hate her everytime she does that." She whined like a kid that makes me laugh. There's no time for unhappiness. At kailangan ko ding maenjoy ang araw na to dahil baka hindi na masundan.
"Don't worry Stacey. Ayos lang yun sa akin. Matagal na yun." I said. At saktong pagkasabi ko nun bigla na lang pumasok si Tori at Elizabeth sa kusina. Both yawning. At nasa likod naman si Nikos na naka walking short lang at naka black na sando.

BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...