CHAPTER XXXIII

117K 2.1K 100
                                    

Chapter 33: Enjoy while it lasts

Marsh Lahm's Point of View

"Two order of Caramel Macchiato and Raspberry Waffles." I smiled while ordering and get a cash out of my purse. Umoorder ako ng breakfast namin ni Kalev sa Waffle House Café. Though, walking distance lang naman to mula sa kompanya.

Gusto pa ngang sumama ni Kalev sa akin pagpunta dito but he's too busy with pile of works to do. He's been slacking off this past few days at natambakan na ng trabaho. I felt kinda guilty kaya ngayon I'm doing my very best to take care of him and be his assistant at the same time. I wanted to help him too.

Lalo na at masyado niya akong binibigyan ng pansin. I blushed from that thought. Halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa at kung hindi ko pa siya pinilit na pumasok sa opisina ay mukhang maghapon na naman kaming magkukulong sa loob ng penthouse niya. Maybe practicing classical music and doing something wicked. Wickedly good and amazing. Specially, malapit na ang recital competition. May mga oras na namamali pa rin ako sa pagpress ng mga keys. Hindi ko mapigilan mapangiti lalo na at may iba't ibang imahe ang pumapasok sa aking isipin.

"Here's your order Ma'am." I paid the bill at kinuha ang paper bag na may laman na pagkain.

"Thank you." Akmang aalis na ako when someone touches my elbow. Sisigaw na sana ako dahil nagulat ako sa ginawa niya pero agad kong nakilala kung sino ang humawak sa siko ko.

"Austin?" Hindi makapaniwalang sabi ko. He flashed a playful grin. Still the same as before. His charcoal black hair was kinda messy making him more charismatic. Ibang-iba ang hitsura niya ng makita ko siya sa grand ball. Nakasuot kasi siya dati ng formal attire and his hair is combed neatly and nicely. Pero ngayon nakasuot lang siya ng polo with matching denim jeans and shoes. Mukha siyang Koreano na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan sa social media. Hindi ko pa rin akalain na makikita ko siya ulit.

"Sabi ko na nga ba, ikaw yan eh. After the grand ball hinanap kita pero mukhang umalis ka ng maaga." Bigla akong nakaramdam ng guilt lalo na at naalala ko ang nangyari sa grand ball. He was treated rudely by Kalev at hindi pa ako nakahingi ng maayos na paumanhin.

"Ah oo nga pala Austin, pasensiya ka na sa nangyari sa grand ball, you know..." sabi ko at sinalubong ang tingin niya.

"Nah it's okay. So, may kasama ka ba pagpunta dito? Gusto mo sabayan kitang magbreakfast or ako na lang sabayan mo tutal magisa lang naman akong kakain." Itinaas ko ang dalawang paper bag and mumbled take out.

Nakita ko ang pagbaba ng balikat niya.   "Just this once Marsh, please? Ang tagal kitang hindi nakita. Please let me. Ang dami kong gustong itanong sayo why things ended up like this." His voice were longing and sad. Matiim siyang nakatingin sa akin at ang mga mata niya ay nangungusap.

Oh no! Sa tuwing binibigyan ako ng ganyang tingin or what did they call that stare? Isn't it puppy dog eyes? Kung bibigyan ako ng ganyang tingin hindi na ako makakatanggi pa. I sighed.

"Fine. Pero saglit lang dahil may trabaho pa akong gagawin." At tsaka baka lumamig ang kape na inorder ko para kay Kalev.   Biglang sumigla ang mukha niya at iginaya ako papunta sa isang bakanteng lamesa at upuan.   Umupo siya sa harapan ko at ako naman iniligay ko sa katabing upuan ang dalawang paper bag na kanina ko pa dala-dala.   "Anong gusto mo? Sabihin mo lang, my treat."

Tama bang um-oo ako kay Austin? Baka hinihintay na ako ni Kalev. Hays. Wala naman akong ginagawang masaya pero nagguilty ako dahil kinakausap ko si Austin. Bakit naman hindi? May pinagsamahan rin kami ng tao.   Pati ba naman ang isipan ko nagtatalo?

"Chocolate waffles na lang at pineapple juice." Sabi ko sa kanya. Tumayo siya at pumila sa counter. Self service kasi dito at pay as you order. Wala pang limang minuto ng bumalik si Austin sa table namin na may dalang tray na puno ng pagkain. Ganito ba siya kagutom para umorder ng ganito karami?

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon