Chapter XIII: Green for jealousy
Marsh Lahm's Point of View
I wore a pencil cut skirt and a black blouse. Nagsuot din ako ng 2 inches stiletto na matagal ko ng binili. Mabuti na lang at kasya pa din ito sa akin hanggang ngayon. Nakataas din ang mahaba kong buhok bago ko tingnan ang sarili ko sa salamin. I looked plain and simple. Gone the beautiful dress I wore, gone the beautiful makeup. I sighed. Back to business. Naglagay lang ako ng pulbo para mas maayos tingnan. Nakakahiya naman kung magmumukha akong katulong at mahirap sa kompanya ni Kalev. Kahit ngayon, I need to be presentable. Sinakbit ko ang bag ko sa braso ko bago lumabas ng pinto. Pero nagulat ako dahil nakita ko ang land lady na nagmamay-ari ng apartment.Naka bistida ito at may hawak na sigarilyo sa kaliwang kamay at ang kanang kamay niya ay nasa bewang niya. Nako po! I prayed. Bakit pa niya ako naabutan?
"Dalawang araw kang wala at buti na lang may plano ka pang magpakita. Aba eh ilang buwan ka ng hindi nakakapag bayad ng renta sa apartment. Kung wala ka ng planong magbayad simulan mo ng magbalot balot ng mga gamit at lumayas na dito!" Pagalit niyang turan. Napapikit na lang ako baka ulit magsalita.
"Manang Florentina." Sabi ko at binanggit ang pangalan niya. "Kalma lang po. Sige kayo tatanda kayo agad ng maaga niyan." Pabiro kong sabi at sinabayan ng pabirong tawa. Sana makalusot.
"Magbabayad naman po ako. May bago na po akong trabaho. Magtatrabaho po ako sa Stanislaski Enterprise." Biglang lumiwanag ang mukha niya ng mabanggit ko ang pangalan ng kompanya ni Kalev.
"Paano ka nakapasok sa kompanya na yan? Balita ko mahirap makapasok dyan ah? Alam mo ba—." Hindi ko na siya pinatapos at yumuko ng bahagya at nagpaalam na aalis na. Baka malate pa ako. Pati pag bayad sa apartment nawawala na sa isipan ko. 'Di bale sa tingin ko naman kaya ko ng bayaran to. Kailangan ko lang magtrabaho.
TINIGNAN ko ang pagkalaki-laking kompanya ni Kalev Stanislaski. Hindi na ako magtataka kung milyon milyon na pera ang pumapasok sakanya araw araw. Pumasok ako sa loob at tinungo ang front desk.
"Excuse me Miss, saan ang office ng CEO?" I asked politely. She smiled back and then answered. "It's on the 9th floor Ma'am."
"Thank you." Yun na lang ang sinabi ko at hinanap kung saan ang elevator. I step inside and check my wrist watch. Limang minuto na lang at maga-alas otso na ng umaga. Kung hindi ba naman traffic kanina dapat nandito na ako.
Kaya binilisan ko ang pagkababa sa sinabing floor at bago pa ako makatingin sa dinadaanan ko may nabunggo akong isang tao. Muntik na akong mahulog mabuti na lang nahawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Kung hindi baka nakasalampak na ako sa sahig ngayon at mukhang katawa-tawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I'm sorry about that. Hindi kasi ako tumitingin sa nilalakaran ko." Sabi ng nakabunggo sa akin. He has a a goofy smile at parang ngumingiti ang inang araw sa akin. Nakahawak pa din siya sa magkabilang braso ko at magkalapit pa din kaming dalawa. Awkward.
"Puwede mo na akong bitawan." I said. Realization hits him. "Ohh. Sorry again." He said at tinanggal ang pagkahawak sa akin. I stepped backward at doon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya. Dark hair, squared jaw, natural red lips, and sinfully pointed nose.
"By the way, my name is Draco Lockhart." He said at inilihad ang kamay niya. Tinanggap ko naman yun. "Marsh Lahm." Sabi ko at ng mapansin ko ang mamahaling wrist watch niya it's already 8:05 AM. "Gottago. Late na ako." Aalis na sana ano ng mahawakan niya ang braso ko.

BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...