Chapter II: La Casa Dela Vista
Marsh Lahm's Point of View
"Ate sabi ko naman sayo magbebehave ako dito sa bahay nila Ninang. Basta enjoy ka lang sa wedding nila Ate Stacey." Sabi ni Marco. Tumingin ako kay Aling Nelda—Marco's Godmother."Thank you po talaga dahil babantayan niyo si Marco." Sabi ko na lang. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil sa tuwing ginagabi ako sa pagtatrabaho siya ang nagaalaga sa kapatid ko. Her age is mid-50's at halos lahat ng anak niya ay wala na sa poder niya.
"Naku! Sabi naman sayo Marsh ayos lang 'yun. Mas gusto ko ngang may bata dito sa bahay para may maingay naman. Wag kang magalala aalagaan ko yang kapatid mo." Sabi niya habang tumatawa.
"Kung sana andito lang si Mareng Martha. May kakwentuhan sana ako." Ngumiti na lang ako ng tipid ng banggitin niya ang pangalan ni nanay. Si Aling Nelda at si Mama ay matalik na magkaibigan noon.
"Thank you po talaga." Sabi ko.
"Marco, wag kang masyadong magpapapawis ah? Wag ka ding makulit at wag mong papagudin ang ninang mo. Wag mo ding kakalimutang uminom ng gamot." Paalala ko sakanya.
"Ate naman ilang beses mo ng sinabi yan." Sabi niya habang nakasimangot. Niyakap ko siya.
"Magiingat ka Marco." Sabi ko sa kapatid ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Ingat ka din Ate."
"Sige po Aling Nelda. Mauuna na po ako." Sabi ko. Tumingin muna ako kay Marco sa huling pagkakataon at kumaway sakanya. Ito lang ang unang beses na mahihiwalay ako sakanya nang matagal. Nagbuntong hininga na lang ako at sumakay ng tricycle para umuwi sa inuupuhan naming apartment. Maliit lang 'yun pero siguradong malinis. Kailangan ko pang kunin ang mga gamit kong dadalhin sa La Casa.
Pagkababa ko agad akong nagbayad. Umakyat ako ng hagdan patungong 3rd floor. Wala naman kasing elevator dito. Kung makakapagipon pa sana ako ng mas malaki pang pera lilipat kami ng apartment ni Marco. Kumunot ang noo ko nang may lalaking naka sombrero ang nasa tapat ng pinto ng apartment namin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko ng makarating ako sa pwesto niya.
"Magandang araw po Ma'am. Kayo po ba ang nakatira sa apartment na to?" He asked.
"Oo ako nga." I said.
"Kayo po ba si Miss Marsh Lahm?" I nodded. Bigla niyang inabot sa akin ang hawak niyang kahon.
"Delivery po Ma'am. Paki pirmahan na lang po tong form na ito." Kinuha ko ang ballpen na inabot niya at pumirma gamit ang pangalan ko. Marsh Lahm.
"Thank you Ma'am." He said and left. Tiningnan ko ang kahon na hawak ko, kanino naman galing to? Pumasok muna ako sa loob at ibinaba ang kahon. May maliit na card na nakasingit sa dito. I checked the card.
"I'm sorry." Basa ko sa nakasulat. Biglang sumidhi ang galit nang makilala ko kung kanino galing ang kahon. Tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa tabi ng ref. It's 25th day of the month. Hinawakan ko ang kahon at nilagay sa isang kwarto. It's a gift from him or maybe from her. Hindi ko alam basta ang alam ko siya ang dahilan kung bakit nawalan kami ni Marco ng magulang. Kung bakit kailangan kong tumigil ng pagaaral. At kung bakit kailangan kong magtrabaho ng magtrabaho para mabuhay ang kapatid ko. Lagi siyang nagpapadala ng kung ano ano pero hindi ko yun binubuksan at tinatambak lang sa kwarto na ito. Kung makikilala at makikita ko lang siya, ibabalik ko lahat ng ibinigay niya.

BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...