CHAPTER XXVIII

115K 2.3K 107
                                    

Chapter XXVIII: Heart vs. Mind

Marsh Lahm's Point of View

        I'm wearing a white dress at talagang pinagipunan ko pa ng matagal.

"Contestant number ten you need to stand by. In any minute, the two of you will perform." Rinig kong sabi ng isang staff.

"Don't be nervous, Marsh. I know you will play very well." I smiled at Austin. He's the violinist and I'm the pianist. "Kuha lang ako ng tubig para sayo."

Maabot ko na rin ang pangarap ko. The world to see me how to play. Kaya pinagbutihan ko ang pagaaral ng piano. Thought, we can't afford to pay piano lesson. Pinagsabay ko rin ang pag-aaral ko at pagabot ng pangarap ko.

But still my conscience is eating me. Nagkasagutan kami ni Mama last week. At hindi pa ako nakahingi ng tawad sa kanya. I wanted them to see me how to play. I blamed her for something. I stepped inside the line. I know I hurt her. Gusto ko sana pagkatapos kong tumogtog hihingi ako ng tawad sakanya. I want to reach them with music.

"Please answer the phone." I whispered while dialing her number. After three rings she picked it up.

"Marsh?"

"Ma!" I exclaimed. "Ma asan na kayo?"

"Anak nasa bahay kami. Masyadong malakas ang ulan sa labas. Sa tingin ko hindi na kami makakapunta."

"Ma naman. Please pumunta naman kayo sa recital." Naiiyak na pahayag ko sa cellphone na hawak ko. Fidgeting my hands to the dress I'm wearing. This is my first time playing. Ginawa ko talaga ang best ko para mapasok sa recital na to.

"Pero anak—walang magbabantay kay Marco." I'm so frustrated. Gusto ko lang naman ipakita kela Mama ang accomplishment ko. I want them to be proud of me. Marco has a weak heart kahit simula ng pinanganak siya. At lahat ng atensiyon ay nasa kapatid kong bunso.

"Ma!" Napataas ang boses ko. Just like a teenager that I am, I got angry. "Please naman! Kahit ngayon lang..."

"S...sige, hintayin mo kami dyan, anak. Hihiramin na lang ng Papa mo ang sasakyan ng Tito Jiro mo." I smiled at it. Tito Jiro is Stacey's father. At kahit noon pa lang ay angat na sila sa buhay. Kahit rinig kong nagtatalo ang kalooban niya kung pupunta ba o hindi. Sana nakarating kayo Mama. Hihintayin ko kayo.

"Contestant number fourteen you need to stand by. Kayo na ang susunod." I stood up from the chair I'm sitting. Kami na ni Austin ang susunod. Kailangan din naming galingan dahil dala namin ang pangalan ng school na pinapasukan namin.

"I hope they're here." I whispered. Akmang isasilent ko na ang phone ko ng bigla itong tumunog. Tawag mula kay Mama. I immediately answered it pero boses ng lalaki ang sumagot.

"Hello? Kayo po kasi ang huling tumawag sa cellphone na ito at may nakalagay na "Anak" sa caller id kaya ito agad ang unang tinawagan ko." Bigla akong kinabahan. Ano ang nangyayari!?

"Ano—." Hindi pa ako nakakatapos magsalita ng sumagot ang taong nasa kabilang linya.

"Na-aksidente po kasi ang may-ari ng cellphone na ito. Nabangga ang kotse na ginagamit nila." My hands trembled from shock.

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon