CHAPTER XXIII

133K 2.3K 48
                                    

Chapter XXIII: Golden Invitation

Marsh Lahm's Point Of View

    "Sumama ka na pleaseeee." Pareho kaming nasa cafeteria ni Erin. We're eating lunch. Tinanong din ni Erin kung ayos lang ba ako. Napansin niya kasi ang band aid na nakalagay sa may gilid ng noo ko.

Tapos na kaya ang meeting ni Kalev sa mga bagong investor? Kinain ba niya ang lunch na niluto ko para sakanya? Simpleng sinabaw na hipon lang ang niluto ko para sa kanya.

"Marsh? Marsh?"

"Huh?" Bigla ko na lang sabi. Hindi ko pala namalayan na nakatulala na ako. "Ano yun Erin? Sorry hindi ako nakikinig. May iniisip lang." sabi ko naman at flashed my awkward smile.

"Hay nako! Ikaw talaga." Sabi naman niya sa akin habang kumakain ng dala niyang baon.

"Sumama ka na sa party mamayang gabi. 40th Anniversary yun ng Stanislaski Enterprise. Lahat ng empleyado imbitado." Napatango na lang ako sa sinabi ni Erin. 40 years na pala ang kompanya. Ang tagal na pala.

"Sasama ka ba?" She said then smiled excitedly. Napaisip ako. Party? Partying is really not my thing. "Hindi na lang siguro. Marami pa kasi akong gagawin." Sabi ko naman habang iniisip mga gagawin ko bilang personal assistant ni Kalev. "Ano ka ba naman Marsh. Wala ka bang pahinga kakatrabaho? Tsaka minsan lang mangyari to. Sumama ka na please." Pilit pa rin niya. Kung alam niya lang na may trauma na ako kakapunta sa party na yan. Dalawang beses na akong sumama kela Tori magparty sa bar at palagi na lang ako nagigising sa kama ni Kalev. Hindi naman sa ayaw ko na ulit mangyari ang nangyari samin ni Kalev pero—oh my! Iniisip ko bang may mangyayari ulit sa amin? Kahit kagabi nanaginip ako na nagtatalik kaming dalawa.

Pero hindi naman bar ang pupuntahan mo. Party! At mga empleyado naman ng kompanya ang mga kasama mo. My subconscious said.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero wala akong damit na susuotin." I said. Alangan namang pumunta ako sa party na suot ay pencil cut na palda, blouse, at black stilettos na sinusuot ko lagi sa opisina.

"Saan ba gaganapin ang party na yan?" I asked.

"Sa bar na pagmamay-ari ni Sir Stanislaski." May bar si Kalev? I didn't know about that. Pero sa bar gaganapin? Hindi dapat ako sumama. Baka ano na namang kalokohan ang gawin ko kapag may alak.

"Sa bar?!" Biglang napataas ang boses kaya napapalingon sa amin ang ibang empleyado na nakarinig. "It's just that I can't trust myself when I'm drunk." Mahinang sabi ko.

"Let's go please." And she flashed her puppy dog eyes. Wag mo akong daanin sa ganyan, please. Tori does that all the way and then voila napapayag niya ako agad. "You know you need to lose sometimes. Get drunk. Have fun. It's only bad for you if you missed the chance. There's a season in life where you can lose yourself for a moment." She added. "And ohh! Making memories is a wonderful thing to do because you can treasure it hanggang sa tumanda ka. Isn't it boring? Kung tatanda ka pero wala kang masayang ala-ala." Memories...making memories is easy. Pero kung ano ang gusto mong makalimutan 'yun ang palagi mong naalala. Biglang sumama ang pakiramdam ko. I'm full of memories but it's tainted with guilt and sufferings.

"I'll think about that." Sabi ko naman habang inaayos na ang lunch box ko at nilagay sa bag. Tapos na nag lunch time. Kailangan ko ng bumalik sa office ni Kalev.

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon