CHAPTER XI

155K 3.1K 232
                                    

Chapter XI: Whirlwind

Marsh Lahm's Point Of View
      Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakaupo dito sa tabi ni Marco. Umuwi na din si Aling Nelda kanina. At si Kalev naman ay umalis dahil may kukunin lang. May kakausapin daw siya hindi na ako nagtanong at tumango na lang.

Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already 8 in the evening. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula umaga. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Nakagown pa din ako. Magpapalit sana ako kaso naalala ko na nasa kotse pala ni Kalev lahat ng gamit ko. Bumukas ang pintuan at pumasok si Kalev na may dalang paper bag at take out na pagkain. Hindi siya magisa. May kasama siyang lalaki. May suot itong pang doctor na gown. Kasing tangkad niya si Kalev. He wear glasses at may dalang record book. His hair is unusual. Silver hair? Matangos ang ilong niya at manipis ang labi. He's so handsome. Parang siyang isang cartoon character na si Jack Frost. Si Jack Frost na may suot na salamin at imbis na cane ang dala niya kundi stethoscope. 

"Ililipat ng room si Marco." Iyon ang agad na sinabi ni Kalev. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Mukhang ayos naman siya dito." Ibinaba niya ang dala niya sa bangko at tumingin sa akin.

"Sa VIP room." Sabi ni Kalev na ikinatigil ko.

"VIP room? Alam mo namang hindi ko kayang bayaran kung ililipat si Marco sa VIP room." Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa surgery ni Marco pati ba naman sa VIP room.

"Money is not an issue here." He said coolly at inilagay ang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya.

"It does!" Jack Frost fake a cough at yun ang umagaw sa atensiyon naming dalawa ni Kalev.

"Tapos na ba kayong mag-away? Pwede bang ako naman?" Pumasok siya at sinara ang pinto.

"My name is Alexander Coben III and I own this hospital. Magmula ngayon ako na ang magiging doctor ng kapatid mo which is Marco. Ako ang magiging head surgeon and lastly wag mo ng isipin ang hospital bill. Kalev and I already talked." He has a deep cold voice. Tumingin ako kay Kalev, clueless.

"Yan lang ang gusto kong sabihin. Babalik ako in any minute. I'll check my patient first and do the rounds." Tumango siya kay Kalev bago lumabas sa pinto. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Kalev.

"Anong ibig niyang sabihin?" I asked.

"Nothing. Wag mo na lang isipin." He said at inilabas ang mga take out foods na dala niya. "Eat." He said. At pinakita sa akin ang takeout food na binila niya. Isang bucket ng fried chicken and rice. At may drinks din. Gusto ko sanang kumain dahil kanina pa ako nagugutom pero mas nanaig ang curiosity ko.

"No. You need to explain first. What was that?"

"Just accept my help Marsh."

"Hindi mo obligasyon si Marco, Kalev. He's my brother at ako dapat ang umiintindi sa kanya. At hindi ako isang charity case. Kaya kong bayaran ang hospital bill at kung kailangan kong magtrabaho habang buhay gagawin ko."  I said with full of determination. Hindi dahil mahirap ang tingin niya sa akin kailangan na niya akong gawing charity case.

"For Pete's sake Marsh. Just accept my help. Wala namang mawawala sayo. Saan ka makakahanap ng five hundred thousand pesos for the surgery in just one snap."

"Exactly! Five hundred thousand pesos is no joke Kalev. At sino ba naman ako para pagaksayahan ng pera." Kahit kailan hindi ko siya maintindihan. Nakilala ko lang naman siya sa La Casa. I may be attracted to him pero hanggang doon na lang yun. Bakit hindi pa ba siya umalis para maging normal na ulit ang buhay ko. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit in just one second biglang dumilim ang mukha niya. His teeth is clenching. And he clenched his fists in anger.

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon