Chapter 46: Stay Close, Don't Go
Marsh Lahm's Point of View
"Marsh, hindi naman sa hindi ako naniniwala sayo pero habang tumatagal mas lalong lumalala ang kalagayan mo. Lagi mong sinasabi na wala kang sakit but your body tells me otherwise." It's not that I can blame her.
I look really pale. May dark circles na rin ako sa ilalim ng mata ko due to sleepless nights. Maputla rin ang mga labi ko. Lagi na rin ako nakakaramdam ng pagkahilo at walang ganang kumain. Minsan nakatulala na lang sa kawalan. Ang buong akala ko, kung magsstay ako dito mas makakapagisip ako ng maayos, but no. The truth is I'm afraid to face Kalev. Umiling ako. Hindi ko siya puwedeng isipin sa mga oras na ito lalo lang akong maiiyak. Limang araw na akong nanatili sa condo unit ni Tori. At limang araw na akong parang buhay. Once upon a time, there was a soul inside this body.
I need to find myself first. Learn to love my flaws and all. Pero kung hahanapin ko naman ang sarili ko hindi ko na kailangan pang magpakalayo-layo dahil kung sino pa ang lumalayo upang hanapin ang sarili nila sila pa yung mga taong naliligaw ang landas.
I've been trying to make myself happy. I'm making myself busy. Hindi ko dapat inaasa sa iba ang kasiyahan ko. Dapat sarili ko na mismo ang kumawala sa butas na ginawa ko sa sarili ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, umiiyak ka na naman." Kinapa ko naman agad ang pisnge ko. She's right. Nandito kami sa kusina at umiinom si Tori ng kape while me, tubig lang. Wala na naman akong ganang kumain.
"I need to go somewhere else, Tori." Nagulat si Tori sa sinabi ko.
"Are you sure, Marsh? Sa ganyang kalagayan mo? Hindi ka ba natatakot na makita ni Kalev sa labas?" I shook my head.
"Pupunta ako sa puntod ng mga magulang ko." I heard her sighed.
"Gusto mo bang samahan kita?" Umiling ulit ako.
"Hindi na. Kaya ko ang sarili ko. Gusto ko rin mapagisa." I said with determination. She drinks her coffee and nodded.
"Alright. Basta magiingat ka at umuwi ka kaagad ng maaga." I forced myself to smile.
"I will."
BUMABA ako ng taxi holding a bunch of flowers, paid the bill at dumiretso na sa puntod ng mga magulang ko.
Ibinaba ko ang bulaklak na dala ko at sinindihan ang kandila. I can hear the rustling of leaves, I can see few people. Bilang lang sa kamay ko ang nakikita kong mga tao. The weather is nice and good. The sun is shining brightly.
Naupo ako sa bermuda grass habang nakatingin sa puntod nila. I stayed there without saying a word but still I can feel the connection between me and my parents.
"I miss you, Ma. I miss you, Pa. Sana nakakasama ko pa rin kayo dito. To guide me and help me to decide what path I will take. Ang hirap kasing tanggapin sa sarili ko na wala na talaga kayo. I've been mourning for seven years." Basag ko sa katahimikan.
"Nakilala ko na po kung sino ang involved sa aksidente." Tumingala ako sa taas just to see the blue skies—upang hindi tumulo ang mga luha ko.
"Mapapasabi na lang ako na sa dinami dami ng tao, bakit siya pa? Alam niyo po bang ilang taon ko ng pinapanalangin na makilala ko na kung sino man ang sakay ng itim na kotse na 'yun. To hear his sincere apology and I told myself that I will forgive him right away. But forgiveness is something I can't give easily." Pumikit ako and let all my tears runs through my cheeks.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...