Chapter XXIX: I want to do it
Marsh Lahm's Point Of View
Ibinaba ko ang hawak kong bulaklak and light the candle. Tumayo ako sa harap ng puntod ng mga magulang ko. It's been month since I've been here."Mama...Papa..." there's a lump in my lungs. I couldn't speak. I just can't. Maybe Kalev is right. I'm only running in circles because I'm afraid to face the reality. Tears flows from my eyes. I'm crying again. I'm such a cry baby pagdating sa mga magulang ko.
"Ma...nahihirapan ako nung wala kayo." I whispered to the air and hoping that it reach them. "I really wanted to say sorry to you."
"I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko man lang nasabi sa inyo na mahal na mahal ko kayo." I cried when looking at their graves. Umupo ako at lumuhod at humawak sa lapida niya habang umiiyak. My heart just broke into pieces. I was filled with guilt. "Mom...I shouldn't have done that. I'm sorry." I keep chanting. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa mga magulang ko bago sila kunin sa akin.
"Ma kailangan ko pong magenroll sa piano class." Sabi ko sa nanay ko habang nasa hapag kainan kami.
"Anak alam mo namang hirap tayo ngayon. At wala kaming ipapangbayad ng papa mo sa piano class mo. Sa gamot pa lang ni Marco hindi na kakayanin." Nalukot ang noo ko at napayuko. Ang hirap maging mahirap lang. I envy my classmates who were rich dahil nagagawa at nabibili nila ang gusto nila. With my little mind, ganito ako magisip.
"Ma, si Marco na naman? Paano naman ako? It's my dream to play. Gusto ko lang naman maenhance ang kakayanan ko." Malungkot kong saad.
"Anak, pasensiya ka na intindihin mo na muna ang sitwasyon natin ngayon." She looked tired and wary. Pagod sa maghapon na trabaho.
"Iba na lang ang piliin mong pangarap, anak? Masyadong mataas ang gusto mo at hindi ko makakayang ipasok ka sa piano class na tinutukoy mo."
"Gusto ko talagang ipagpatuloy to Ma. Nasimulan ko na. Bakit kasi ipinanganak pa si Marco na may sakit sa puso! Bakit tayo pang mahirap?" She slapped my face. Biglang tumulo ang luha ko. This is the first time na pinagbuhatan niya ako ng kamay.
"Wag na wag kang magsasalita ng ganyan. Hindi kita pinalaki para ganyan ka magisip Marsh! Hindi ginusto ni Marco na magkaroon ng sakit sa puso. Bakit mo sinisisi ang isang tatlong taong gulang na kapatid mo na wala pang kaalam alam sa mundo! May plano ang Diyos para sa atin." Umalis ako sa kusina at dumiretso sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak. I feel so guilty. Nagsisisi ako sa mga nasabi ko.
I dried my tears using my hands. Pero patuloy pa rin ang pagtulo nito.
I'm always asking God why did He get them so early. Why their death is so painful. But no one answered. But God has plans for us. Yan ang sinabi ni Mama.
Apat na buwan ang lumipas pagkatapos silang ilibing. I'm still mourning and crying every night. At nandito ako sa kwarto nila para maglinis. Inayos ko ang bed sheets at nagwalis na din ako. Habang winawalisan ang ilalim ng kama ay bigla akong nakita. Isang kahon ay may butas sa gitna. I curiously get and open it.
"Piano lesson para sa anak ko." Yun ang nakasulat sa loob ng kahon at may laman itong pera. At simula sa araw na yun doon ko lang napagtanto na pinagiipunan ni Mama ang pambayad ko sa piano lesson. At kahit kapos kami sa pera nakayanan pa rin ni Mama na pagipunan ito. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa sahig habang yakap ang kahon. Ang magulang natin ay nagsasakripisyo para sa kanilang anak. We just couldn't see it.
Mahirap man kami pero swerte ko pa din dahil nagkaroon ako ng mapagmahal na pamilya na mayaman sa pagmamahal. Bakit ngayon ko lang napagtanto ito kung kailan wala na sila. Ang sama kong anak.
"Ma..." bakit kasi nawala kayo agad. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sayo.
"Mahal na mahal kayo." Medyo lumakas hangin at nadala ang buhok ko. I wiped my tears away. I hope it reach them. I mentally prayed.
"Marsh." Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. It's Tita Maril.
"Dumalaw ka rin pala ngayong araw." Ngumiti lang ako ng tipid kay Tita Maril as I watched her to put a candle on their graves. Tumabi siya sa akin at tumayo.
"Maybe you loathed me." Mahinang sabi niya habang malayo ang tingin. "Because I keep on blaming you." Napatingin ako sa baba.
"That's why you stopped playing. I know you're a great pianist. Every time na nagkikita kami ng kapatid ko she always boast saying Yung anak kong si Marsh, napakagaling magpiano. Hindi ko nga alam kung kanino nagmana ang batang yun. Nawala ang lahat sayo, your parents, your passion, your dreams, education." Napatingin ako sa gawi niya. Bakit niya sinasabi ang lahat ng to? This is new to me. Naiiyak na lang ako sa mga alaala ng magulang ko.
"It's my decision Tita. I stopped playing because I'm blaming myself too. You're right." Mahinang pahayag ko.
"I'm sorry. As your Auntie, I failed you. Walang may gusto ng nangyari. Everything happen for a reason, they say. You don't need to blame yourself but start believing in yourself." I stared at their graves.
"Don't isolate yourself iha. If you want to do something, do it. If you want to make something, make it. If you want to reach your set goals in life, reach it." Makahulugang sabi ni Tita with a faint smile on her face. Tumingin siya sa akin at niyakap ako. I felt so warm. Like my mother is hugging me too. I cried with her shoulder. She taps my head and caress it like a child.
"Do whatever makes you happy. I'm here to support you in behalf of my sister." And that's what all I need to hear. Tinuyo ko ang luha ko. "Thank you, Tita." Tumingin ulit ako sa puntod ng magulang ko.
"I love you, Mama. I love you, Papa." At bumaling naman ako kay Tita Maril. "Tita, I need to go. May kailangan lang po akong gawin." She smiled at me. I turned my back at simulang tumakbo palayo sa sementeryo. Agad akong sumakay sa taxi at sinabi ang address kung saan ang penthouse ni Kalev.
Ng makarating ako sa pupuntahan ko agad akong nagbayad at bumaba. I shivered from excitement. Para bang may panibagong pagasa na bumukas sa akin. Pumasok ako agad sa elevator. Naghihintay hanggang sa makarating sa penthouse ni Kalev. It feels like eternity.
Tumakbo ako palabas ng elevator at agad pumasok sa loob ng penthouse. Naabutan ko si Kalev sa loob ng penthouse niya na umiinom ng tubig sa kusina.
Life is a series of moments. Parang nagulat pa si Kalev ng nakita ako. Sino bang hindi. Ang pula ng mata ko at halatang katatapos lang umiyak. Every moment I spend with him. I found my own freedom.
He stood there lovingly. My heart begun to pound so fast. Dahan dahan akong lumakad sa puwesto niya. This feeling I have, this is what people called...yearning. I yearned for Kalev. I yearned for music.
"I want to do it! I really want to do it! I'm going to be your accompanist!"
He kissed my forehead. "Great choice, Marsh. I'm expecting that answer." With so much happiness creeping inside me. I kissed his lips at agad naman niyang tinugon ang halik ko.
I'm thankful I met him. He's my savior. My life saver. Because of him, I found my own self. It's like both of us we're connected with each other.
And now, I knew for myself I won't survive without Kalev in my life. He gave me one of the reason to move on and look forward for the future. Because now I'm falling hard and fast. I can't stop myself I just...did.
* * *
Matatapos ko na talaga to kung araw-araw akong mag uupdate HAHAHAHHAAHHAH.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
Aktuelle Literatur[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...