Chapter 51: Lady in red
Marsh Lahm's Point Of View
"Marsh! Lumalabas ka pa ba sa penthouse na 'to, gosh." Tori said using her irritated voice.
Nakasandal siya ng maayos sa sofa habang hawak niya ang remote control while watching television. At may nakalagay na bowl of sliced fruits ang lap niya.
"Masyado ka namang tinatago ni Kalev." Elizabeth said with a laugh. Umupo naman ako sa tabi ni Tori at nakinood na rin ng movie na pinapanood niya.
It's been a week na nasa loob lang ako ng penthouse ni Kalev. He don't want me to work. Lalo na at nabasa niya ang text message na 'yon. Kaya ngayon, nagstay lang ako dito sa loob. Hindi naman masama kung susundin ko siya, diba? At tsaka we're being cautious even it it's not necessary.
"Gusto mo bang lumabas tayo?" Sabi ni Tori at tsaka itinaas baba niya ang kilay niya.
Nako! Baka kalokohan na naman ang tumatakbo sa mga utak nila. Wag naman sana, I prayed mentally.
"Saan naman?" Please, sana naman hi--
"Window shopping lang sa mall and then bibili na rin tayo ng things for your baby." Bigla ko tuloy naalala na every day may dala na kung ano-anong gamit si Kalev at nilalagay niya sa loob ng master bedroom. Talagang pinaghahandaan na niya.
"Ang dami ng gamit sa second floor baka wala na kaming mapaglagyan ng mga gamit." I said with a laugh.
"Pero anyway, magkakababy na kayo ni Kalev niyaya ka na ba niyang magpakasal?" Bigla akong napatigil sa sinabi ni Elizabeth . That question got my attention and my laugh died right away.
"Does it matter? Ang importante mahal namin ang isa't isa." I muttered. May part sa akin na nasasaktan pero hinayaan ko na lang iyong lumipas.
Nagkibit balikat naman si Elizabeth. "Pero ibang usapan na kapag marriage ang pinaguusapan, Marsh. You must make sure na sayo lang talaga si Kalev. Do you want to give birth to that child out of wedlock? Puwede itong maconsider as illegitimate." There's a negative emotions kicking inside me. Does Kalev have plans to marry me? I don't know. Hindi ko hawak ang utak niya. Napatingin naman ako kay Tori na sumangayon kay Elizabeth.
"Truly! Para may pangkakapitan ka na kung kasal na kayong dalawa. Siguro naman wala ng ibang babae ang maghahabol sa pinsan naming iyon lalo na si Haneah."
Naalala ko ulit si Haneah. The last time I saw her is in the hospital, specifically to the psychiatric ward.
"Speaking of that witch, hindi ko nakikita ang babaeng 'yun. Even sa mga parties na pinupuntahan ko. Anyway, wag natin siyang pagusapan nawawala ang pagka-good mood ko." Hindi na ako nagsalita at tsaka tinuon na lang ang atensiyon sa tv.
Naiisip ko pa rin ang sinabi ni Elizabeth.
Does Kalev really don't have any plans to marry me? Pero ano naman ngayon kung wala? Basta ang alam ko mahal niya ako at mahal ko siya. But still something is lacking.
Ano ba tawag sa amin ngayon? Magka-live in na magkakaroon na ng anak. What if magbago pala ang isip ni Kalev at hindi niya kami gusto sa buhay niya. Knowing him, baka ayaw pa niyang iwan ang bachelor life niya.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...