Epilogue
THE MOMENT I woke up, mataas na ang sinag ng araw. Kaya naman pala, when I checked the clock placed at the top of the side table, it's already eleven in the morning. I overslept again. Blame my hormones.
"Good morning, baby. Maligo ka na dahil may pupuntahan tayo." Napatingin ako sa may walk in closet. Nandoon pala si Kalev at mukhang katatapos lang niyang magbihis. Hindi siya naka tuxedo and all. Napaka simple lang ng suot niya. A white shirt and jeans paired with converse.
Itinaas ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at niyakap ang unan ng mahigpit. I eyed Kalev dreamingly. Hmm. Ang sarap naman ng mahal ko. Bigla kong nahawakan ang bibig ko. Ano ba 'tong mga naiisip ko at sinasabi ko. I cursed mentally.
Mabilis akong bumangon dahil baka ano pang mangyari sa aming dalawa kung papatuloy kong pairalin ang pagiging marupok ko at tsaka pumasok sa bathroom to take a bath.
"SAAN kasi tayo pupunta?" Ilang beses ko na 'tong tinanong pero kahit isa ay wala akong nakuhang sagot.
"Patience is a virtue, my sweet." Hmp! Napasimangot ako at tumingin na lang sa kalsada.
"Hindi ka ba pupunta sa kompanya? Office hours ngayon. Naka nakakalimutan mo?" I countered. He looked at me and then flashed a smirk bago ituon ang atensiyon sa pagdadrive.
"Unless you forgot, I am the owner of the company. Kahit wala ako, patuloy pa ding tatakbo ang company because of the people. Just sit back and relax." I rolled my eyes at him. "Yabang." I mumbled.
"I'm not boasting, my love. Just stating the truth." Another hmp came from me.
WE STOPPED in a small but cozy restaurant.
"Anong gagawin natin dito?" I asked out of curiosity.
"You'll see." Hays. Wala talaga siyang balak sabihin. Sumunod ako sakanya papasok. The first thing I saw was the two vases in both side. Mukhang hindi naman formal ang restaurant at hindi kailangan ng reservations. Dumaan kami sa gilid na part na makikita ang kitchen through the glass walls. Hindi crowded ang buong lugar kahit may ilang tao ang kumakain.
"Over here!" Nakita kong nakaupo si Tori, Eliza, Nikos, Raven, and Alexander sa may gilid ng restaurant.
"You go with them. May gagawin lang ako."
"Kalev—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang umalis. Bakit nagmamadali ang isang yun?
Wala na akong magawa kundi pumunta sa pwesto nila Tori. Binigyan nila ako ng mauupuan and they greeted me. I greeted back.
Nagkwentuhan kaming lima habang masayang kumakain. Our attention focuses to the left side. Doon ko lang napansin na mayroon palang mini stage doon at mayroong microphone sa gitna. There stood Trevor, holding the microphone using his left hand and Kalev is on his right side and Severus on the left side na may hawak na drum sticks.
"Marsh, this is for you." Sabi ni Kalev sa microphone kaya napatingin ako sa kanilang dalawa na nasa may mini stage. Kakanta siya? Anong pakulo na naman 'to? My cheeks reddened when Kalev give me a flying kiss.
"Hindi ko akalain na gagawin 'to ni Kalev." Natatawang sabi ni Nikos.
"Tell me about it." Alexander said while eating.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General Fiction[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become mine. There's no way you can escape, baby." -Kalev Stanislaski PS: Will be written in Tagalog and u...