CHAPTER IX

160K 3.4K 184
                                    

Chapter IX: These feelings...

Marsh Lahm's Point of View


"Marsh over here!" I heard Tori half shouting and half whispering. Katabi niya si Elizabeth both wearing rose gold gown pero magkaiba ang design. Iniwan ko si Kalev at pumunta sa pwesto nila Tori. I can't stand his presence kaya pagkababa ko pa lang sa kotse niya iniwan ko na agad siya.

"Ang daya mo Marsh. Umuwi ka kaagad kagabi." Naguluhan ako sa sinabi ni Elizabeth. 

"Nakita kitang hila ni Kalev, so I assumed umuwi na kayo agad." She added. Bigla akong namula ng banggitin niya ang pangalang Kalev. Lalo na at may nangyari sa amin kagabi. Tinikom ko ang bibig ko. 

"And you Tori," Nakapamewang na sabi ni Elizabeth. 

"Bigla ka na lang nawala kagabi. Kaya wala kaming nagawa ni Stacey at umuwi na lang." she whined. I studied Tori's face. She's guilty.

"Something came up cousin." She laughed awkwardly. Tiningnan ko ang buong venue. May mga bulaklak sa gilid at may red carped sa gitna. Mayroon ding piano sa may elevated part sa gilid. Sino kaya ang tutogtog ng piano? I shrugged. Maaliwalas din ang paligid. Rose gold and matte gray ang motif ng kasal. And there stood a guy at the end of the aisle. It was Kelvin na halata ang kaba sa mukha niya. Nasa likod naman ni Kelvin si Kalev. He's the best man? Maybe. Nakatayo na din ang pari sa gitna ng table. Bride na lang talaga ang kulang. Puno na din ang venue ng mga tao.

"Bridesmaid pumila na kayo. Malapit na ang bride." Sabi ng wedding coordinator. Binigyan ako ni Tori ng isang bouquet ng bulaklak. 

"Let's go." Sabi ni Elizabeth at pumila kami sa dulo ng aisle.

Mula doon biglang tumunog ang piano. Bigla akong napatingin kung sino ang tumutogtog ng piano. It was Kalev! At ang hot niyang tingin habang nagpiapiano. He's an expert. He's playing Le Onde by Ludovico Einaudi. The piano piece is soft and soothing. What a great choice of piano piece.

Nagsimulang maglakad ang mga flower girl sa aisle. Dahan dahang sumunod ang ring bearer kasabay nun ay naglakad na din si Elizabeth. After a second ako naman ang sunod na naglakad. Bouquet of flowers on my hand and slowly walked in the aisle. Kinalat ko ang paningin ko hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa ni Kalev. He played the piano very well at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I just stared at him while walking slowly. The intensity is there and I can't seems to look away. Nang marating ko na ang dulo ako na mismo ang umiwas.

Pumwesto ako sa designated seat for the bridesmaid. Katabi ko si Elizabeth at si Tori sa kaliwa.

It was Stacey's turn. Lahat kami ay nakatayo at nakatingin sakanya. She's so gorgeous on her long gown. Nakatingin siya kay Kelvin and vice versa. I'm happy for my cousin because finally she decided to settle down. Halata sa tingin nilang mahal nila ang isa't-isa. They will be a lovely couple. I'm sure of that. Hindi ko din maiwasan na malungkot pero agad kong pinawi yun.

"YOU may now kiss the bride." Hindi ko namalayan na patapos na pala. Nakita ko na lang sila Stacey at Kelvin na ngumiti sa isa't-isa bago lumapit ang kanilang mga labi. The crowd cheered. I watched them. Pero bigla na lang sumagi sa isip ko ang paghalik sa akin ni Kalev. Napahawak ako sa puso ko. Bakit ba laging bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita at naalala si Kalev?

"Punta na tayo sa reception." Sabi ni Tori. 

"Saan gaganapin ang reception?" Tanong ko. 

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon