CHAPTER ONE

544 15 0
                                    

CHAPTER ONE

Kyles point of view

Papunta ako ngayon sa bar ng kaibigan ko na lagi na naming pinagtatambayang magkakaibigan. Pumasok na ako sa loob at pinuntahan ang mga may topak kong kaibigan.

Pagkapasok ko, umakyat na ako dahil duon sa taas ang lagi naming inuupuan.

"Nakadami na ba kayo?" Salubong na tanong ko sa kanila at naupo na.

"Nandiyan ka na pala Kyle? Kakaumpisa pa lang namin. Oh, inom ka na." Sagot ni Mike at ibinigay sa akin ang isang basong may lamang alak. Tinanggap ko iyon at ininom ng isang lagukan lang.

Kaibigan ko na sila Mike simula nuong college pa lang kami. Pare-parehas kami ng mga kinuhang course kaya mas naging close pa kami.

At itong bar? Kay Russle ito. Ipinamana na sa kanya ng magulang niya ito pero nagtratrabaho pa rin siya tulad namin.

I'm already 30 years old and I'm not yet married. I'm still enjoying my life at wala pa akong balak magasawa hindi gaya ni Mike at Russle na may mga asawa na.

Mabuti pa si Justin, wala pa ding asawa—ayy, may girlfriend pala siya. Matagal na sila ng girlfriend niya at soon ikakasal na din pala silang dalawa pero kahit matagal na sila ng girlfriend niya, hindi pa din naming siya nakikilala.

Si Justin. Siya ang pinaka matanda saamin at siya ang pinakamisteryoso sa aming magkakaibigan at kung may tinatago siya na ayaw niya makita namin, hindi talga naming makikita.

Pagkababa ko ng baso sa mesa napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa babae.

"Kyle, late ka pala no? Id like you to meet my girlfriend." Justin said at napatingin ako sa kanya ng gulat.

Speaking of...

Siya pala ang girlfriend ni Justin. Tinignan ko iyong girlfriend ni Justin at nagpakilala.

Bakit parang familiar ang mukha niya?

"I'm Kyle Torres." Pagpapakilala ko habang inilahad ang kamay ko.

"Hi Kyle? Long time no see. Ilang years lang tayo hindi nagkita, hindi mo na ako nakilala agad?"

What? Anong ibig iyang sabihin?

Biglang nagulo ang isip ko at feeling ko may nakalimutan akong pilit kong inaalala. Tinignan ko ulit iyong girlfriend ni Justin at pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya sa akin habanag nakangiti.

At naalala ko na kung sino siya ng dahil sa ngiti niya. Ang laki na din ng pinagbago niya ah. Mas nagmature pa ang mukha niya pero maganda pa rin but hindi pa rin nagbabago ang height niya.

Maliit pa rin.

"Long time no see, Macy." Masaya kong bati sa kanya at nilapitan siya para yakapin.

Siya si Macy Condor. Isa siya sa childhood friends ko. Siya ang pinakamatanda sa aming magbabarkada noon. Ka age niya si Justin na 32 na din.

"So, ikaw pala Macy iyong girlfriend ni Justin na matagal na niyang tinatago sa amin." Sabi ko na may halong panloloko kay Justin.

"Hindi naman sa tinatago, wala lang talagang time para ipakilala siya." Pagdedefend ni Justin at tinawanan lang namin at umminom na lang.

Alam na pala ni Macy na kaibigan ako ni Justin dahil minsan napagkwentuhan daw nila ako. Ang sama nila. Theyre talking behind my back. Wala man akong kaalamalam na magkakilala pala silang dalawa.

Bigla ko tuloy naalala noong iniyakan ni Macy iyong lalaking niloko siya. 17 years old pa lang siya noon at ang gusto niya lang ay mahalin siya ng taong mahal niya pero lagi naman siyang niloloko ng mga minamahal niya. Mabuti na lang masaya na siya ngayon sa piling ni Justin.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon