CHAPTER FOUR

219 8 0
                                    

CHAPTER FOUR

Daisy's point of view

Ilang araw na rin ang lumipas simula nuong umuwi ako dito sa Pilipinas. Bumalik na muna si Ate Sunny sa Manila dahil may trabaho pa siya. Isesend na lang daw niya sa akin kapag naorganize na niya talaga ang plano sa reunion namin.

Hindi pa rin kami nagkikita-kitang magbabarkada dahil nasa Manila din sila. Duon pala lahat ang work place nila.

Isinend na din sa akin ni ate ang mga kumpanyang pinagtratrabahuan nila at halos lahat ng mga kumpanyang iyon ay mga naging kliyente ng kompanya ko at iyong iba naman ay kaibigan ko. Kaya tatawagan ko na lang sila upang ipaalam rather than puntahan pa sila isa isa.

But may isang kumpanya na hindi ko kliyente at kailangan na pumunta ng personal duon. At iyon ang pinagtratrabahuan ni Kyle.

Kung pwede lang hindi na siya isama, hindi ko na talaga siya isasama eh. But part pa rin naman siya ng barkada kaya hindi pwedeng hindi ko siya isama.

Dahil wala akong ginagawa ngayon, lagi kong inaaya na lumabas sila mama at papa. Kug saan saan pa nga kami nakakarating eh.

Kanina nagmeet din kami ng mga kaibigan ko nuong highschool pa ako. May mga asawa at anak na sila hindi tulad ko na single pa rin.

Tinanong nga nila ako kanina kung kailan ako ikakasal pero tinawa ko lang ang tanong na iyon.

Paano ako ikakasal kung wala man lang akong boyfriend?

Malas ako sa love life eh.

---

Dalawang araw ang lumipas at naisend na sa akin ni Ate ang plano. Nagustuhan ko iyong beach na pinili niya kaya inapprovan ko iyon.

Sinabi ko na din sa kanya na huwag niya muna sasabihin sa barkada hanggat hindi ko pa sila napapaalam. At pumayag naman siya.

So, start na ng pagtawag sa mga kumpanya nila. Tinigan ko iyong mga number ng kumpanya nila at nagstart magdial.

Maria Sotto and Miguel Cheng- ***** Company

-09*********

Iisa lang ang pinapasukan na kumapnya ni Maria at Miguel kaya tinawagan ko na agad ang kumpanya nila.

Ate Maria and Kuya Miguel are couple. Naging part ng barkada naming si Kuya Miguel simula nuong nililigawan niya si Ate Maria. Nagstart siya manligaw nuon nung 16 years old palang sila at sinagot niya si Kuya nuong 21 years old na sila. Hindi ko nasubay bayan ang pagiibigan nila dahil umalis na ako papunta ng Barcelona noon.

Ilang minuto lang nang paguusap naming at napapayag ko siya. Bibigyan na lang daw niya ng notice iyong dalawa.

So next is the other couple.

Gail Santos and Charles Millo.

Magkahiwalay sila ng pinagtratrabahuan dahil si Ate Gail ay isang doctor habang si Kuya Charles naman ay isang Lawyer gay ani Ate Sunny.

Tulad din ng unang couple, Napasama lang si kuya Charles saamin dahil sila ni Ate Gail. Sila ang pinaka matagal na couple sa barkada naming at kinasal na din sila wala pa rin silang anak. Siguro choice nila iyon dahil masyado silang busy dalawa.

Hindi din ako nakapunta sa kasal nila dahil nagaaral pa lang ako nung mga panahon na iyon.

Tulad ng naunang kumpanya , pumayag din sila.

The last couple.

Dean Acierto and Jolly Monte.

Hindi ko alam kung anong nangyari or papaanong nangyaring naging sila basta nabalitaan ko lang na sila na pala. Kuya Dean is already 31 and Jolly is just the same age with me which is 29 but masmatanda pa rin ako sa kanya ng dalawang buwan. Jolly is my cousin at nagulat na lang talaga ako nang nabalitaan kong sila na ni Kuya.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon