CHAPTER SEVENTEEN

138 7 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Sunnys point of view

Nandito kami sa may harap ng pinto ngayon g kwartong iyon. Mukha nga kaming tanga kasi nakadikit iyong mga tenga naming mga babae, tinitry lang namin kung may maririnig kami kahit konti lang sa loob.

"Itigil niyo na nga iyan! Para talaga kayong tanga diyan. Nilock lock niyo pa kasi silang dalawa diyan kung guso niyo din marinig silang dalawa." Rinig naming sabi ni Jerome na nakasandal lang sa pader habang pinapanood kaming mga babae na mukha talagang tanga.

Sana kasi malapit lang sila sa may pinto para marinig namin sila.

"Tumigil ka na rin nga Jerome. Porket single ka na ulit dahil nai-divorce ko na kayo ng ex-wife mo, ang sungit sungit mon a ulit." Sabi ko sa kanya at tinignan niya ako ng sobrang sama.

OMG! Im dead.

"Ano? Anong divorce?" Tanong ni Billy na gulat na gulat.

Napatakip naman ako sa bibig kong madaldal talaga at umiwas ng tingin kay Jerome.

Patay ako talaga! Hindi pala nila alam na nag hiwalay na si Jerome at iyong asawa niya.

"Humanda ka sa akin Sunny! Babawian kita." Sigaw ni Jerome nag alit nagalit.

Tinanggal niya na din iyong Ate niya sa pag tawag sa akin kaya sigurado akong galit siya.

"Naghiwalay na sila nung bruhang iyon?" Tanong ni Camille sa akin at tumango lag ako bilang sagot. Hindi ko pa rin tinatanggal iyong palad ko sa bibig ko.

Ayaw ko na dumaldal ulit.

Nag si pasukan na kaming lahat sa loob ng kwarto ulit dahil may mapag uusapan na kami ulit.

Nabored lang naman kami kaya lumabas kami pero ngayong nalaman na nila iyong about kay Jerome, siguradong siya iyong hot seat ngayon.

Nakatingin lang ng masama si Jerome sa akin kaya umiiwas ako pero kung titognan ko na siya at napansin niyang nakatingin ako sa kanya, titignan niya ulit ako ng masama.

---

Daisy's point of view.

"Do you still love me?" Tanong ko sa kanya. Nilunok ko na lahat ng pride ko at kahihiyan ko dahil sa ginagawa ko ngayon. Para lang ipakita kong mahal ko pa rin siya pero iyong gago, ginago lang ata ako.

Sinubukan kong hintayin ulit iyong sagot niya pero hindi pa rin siya nag sasalita.

Nag iba na iyong mood ko at umalis na sap ag kakaupo sa kanya.

Inihilamos ko iyong palad ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Pag katapos kong umamin sa kanya na mahal ko pa rin siya, ganito ang gagawin niya? Pag katapos kong ibigay sa kanya iyong first kiss ko, gagaguhin niya lang ako?

Humarap ako sa kanya ng galit na galit at nung nakita niya akong galit na, tumayo na siya.

"You know what Kyle? Damn you!" Sabi ko ng dahil sa galit.

Lumakad ako papunta sa pintuan para buksan iyon dahil gusto ko na talaga lumabas. Gusto ko na makaalis sa hiyang nararamdaman ko ngayon.

Okay sana kung may tama pa din ako at high pa din ako pero wala na. nasa matinong pag iisip na ako. Hiyang hiya ako.

Pinag papalo ko ng malakas iyong pinto para marinig nila iyon pero walang nag bubukas. Nasa loob na ba silang lahat? Bakit hindi nila ako naririnig? Naalala kong sound proof pala iyong mga kwarto dito kaya paniguradong hindi nila naririnig sa kabilang kwarto iyong pag iingay ko dito.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon