CHAPTER TWO

283 13 0
                                    

CHAPTER TWO

Kyles point of view

"Wish ko pa din na sana kayo pa din ang magkatuluyan ni Daisy."

Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Macy kanina. Kami magkatuluyan ni Daisy? Wala ng chance na maging kami ulit. Malabo na.

Nandito lang ako sa loob ng CR habang nakatingin sa salamin. Napahilamos ako sa mukha dahil hindi pa rin talaga nawawala ang sinabi ni Macy kanina.

Bumalik na din pala siya galing ibang bansa. At nasa iisang bansa na lang kami.

"Wish ko pa din na sana kayo pa din ang magkatuluyan ni Daisy."

Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Macy kanina kaya mas naging frustrated ako. Hinugas ko na lang ang kamay ko at nagayos ng sarili bago ako lumabas ng CR.

Habang pabalik ako sa table namin, naalala ko na may mga message pala siya sa group chat namin kaya kinuha ko ang phone ko at nag online.

Nagbabasa lang ako ng convo nila habang naglalakad pabalik sa mesa ng may taong biglang nakasabayan ko sa paglalakad at nagbunggo niya ako dahilan ng pagkahulog ng phone ko.

"Sorry." Rinig kong sabi ng nakabangga sa akin sabay alis.

Tangina

Mura ko sa isip ko habang nakatingin sa phone ko na nasa sahig. Bagong bili iyan eh tapos mahuhulog lang ng ganon ganon?

Pinulot ko iyon at tinignan kung may damage, thankfully wala naman.

Hinanap ko iyong taong nakabangga sa akin. Base sa boses niya kanina nung nag sorry siya, she's a girl. Tapos nakita ko rin ang design ng sandals niya nung pinulot ko itong phone ko.

Tumingin ako sa kabilaang side ko pero hindi ko na siya makita. Bahala na nga. Basta ang mahalaga hindi na sira itong phone ko.

Pagbalik ko sa mesa namin, maingay nanaman sila.

Bigla kong naalala iyong boses nung babaeng nabangga ko kanina. Parang familiar. Parang narinig ko na pero hindi ko maalala kung saan or kung sino iyong mayaari ng boses na iyon.

"Uy Kyle may naalala ako!" Naputol ang pagiisip ko at naptingin ako kay Angelo.

"Ano nanaman?" tanong ko.

"Anong ano nanaman? Nakakalimutan mo na ba ang consequence mo?" Sabi niya sa akin na may pangaasar.

Oo nga pala. May dare pala siya sa akin. Natalo kasi ako sa pustahan namin.

"So anong dare mo? Sleep with who?" Diretsong tanong ko para matapos na. Sanay na din ako.

Ganito kami. Kapag natalo ka sa pustahan , ang magiging consequence mo is, sila ang mamimili ng girl you will sleep with. Madaming beses na rin naman akong natalo kaya, wala na akong pakielam kung sino ang gusto nilang babae.

"Sleep with—Kyle, dapat gawin mo itong dare na ito ah. Walang urungan." Pambibitin ni Angelo sa akin.

"Ano ba sino na?" Iretable kong tanong.

"Guys sasabin ko na ba?" tanong niya kina Russle.

Papatayin ko na itong gagong to.

At mukhang nagpausapan nila kung sino ang babaeng iyon ah.

"Mga gago." Sabi ko na lang at uminom.

"Kurt drum roll." Utos ni Angelo, at sinunod naman ni Kurt.

Bakit feeling ko, masama ito. Bakit kinakabahan ako?

"Youre sleeping with." Kung may magandang ibitin patiwarik dito, ayun ay si Angelo. Ang galing mangbitin eh.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon