CHAPTER THIRTEEN

144 7 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Daisy's point of view

Nag kwekwentuhan lang kami habang umiinom, topic namin is about sa mga love life nila. Nakikinig lang ako sa kanila kasi wala naman akong maikwekwento dahil wala naman akong love life.

"Ikaw ate Daisy?" napatigil ako sap ag inom dahil tinawag ako ni Glenda.

"Anong ako? Tanong ko sa kanya.

Nagkaroon ka ba ng boyfriend noong nasa Barcelona ka?" Tanong niya.

Wala eh. Tipid kong sagot at inubos ko iyong nasa baso ko. Sila na kasi ang may love life!

"Wala talaga? So, si kuya Kyle pa rin iyong ex mo?" Tanong niya with amusement.

Nakakainsulto na. Bakit kasi kung single pa rin ako?

Oo? alanganin kong sagot sa kanya.

"May first kiss ka na? Tanong ni Jolly.

"Wala pa rin." Sagot ko sa kanya.

Totoo! Wala pang nakakahalik sa labi ko.

Hindi ka nahalikan ni kuya Kyle noon?" Tanoong ulit ni Glenda.

Bakit sa akin na punta iyon spot light?

"Hindi. Ayaw ko pa noon." Sagot ko. Ayaw ko pa noon kasi masyado pa akong bata. Nahalikan niya ako sa pisngi at noo noon but sa lips, hindi pa pwede.

"Pero ngayon gusto mo na?" Feeling ko biglang nag stop mag function iyong utak ko ng dahil sa biglaang tanong ni ate Maria. Iyong hindi ka makakasagot agad ng dahil sa tanong niya.

"Joke!"

Bumalik lang ako sa katotohanan nung sinabi ni ate na biro lang. Bakit ko kasi sineryoso?

"Virgin ka pa rin ba te?" Tanong ulit ni ate Maria na ikinaubo ko.

"Ano namang klaseng tanong iyan Maria. Paano sa mabibiyak kung wala pa siyang first kiss diba? Paki gamit nga iyong utak mo." Sabat sa kanya ni ate Gail na ikinatawa namin.

Nawala na rin iyong spot light sa akin nun but biglang may tumawag sa akin from Barcelona kaya nag paalam muna ako sa kanila na lalabas ako at pumunta sa tahimik na lugar.

---

Macy's point of view

Nung lumabas si Daisy natahimik kaming lahat. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila pero ako, iniisip ko kung pwede pa bang magkabalikan si Kyle at Daisy?

Nag katinginan kaming lahat sa isat isa nung sabay sabay kaming buntong hininga.

"Iniisip niyo rin ba ang iniisip ko?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanila at tumango lang naman sila.

Feeling ko nung mga oras na iyon may super powers kaming makipag usap sa isat isa ng hindi nag sasalita. Gamit lang namin ay iyong mga utak namin kasi nag kakaintindihan kami.

"May chance pa kaya?" Tanong ni Sunny. For sure gusto niya na din mag love life si Daisy para sumaya naman siya.

Kahit na tumatawa kasi siya, halata mo iyong loneliness at sadness sa mga mat ani Daisy.

"Sa tingin ko meron pa." Sabi ni Maria.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Camille.

"Napansin ko lang kagabi na awkward pa rin silang dalawa sa isat isa tapos si Daisy, hindi niya masagot iyong mga tanong ni Kyle kagabi diba? Kung naka move on na si Daisy, kayang niyang sagutin iyon at kung naka move on na din si Kyle, bakit kailangan niya pang tanungin si Daisy ng mga ganong klaseng tanong? Gets niyo ba?" Pag eexplain ni Maria na sinang ayunan naming lahat.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon