CHAPTER FOURTEEN

134 9 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Miguel's point of view

Naglalakad na kami papunta sa club na iyon pero sabay sabay kaming napatigil lahat sap ag lalakad ng dahil sa naamoy namin.

"Sandali lang, bibili lang ako ng burger. Sobrang gutom na gutom na ako." Sabi ni Gorge at agad-agad na tumakbo papunta sa buger stall.

Nag katinginan din kaming lahat at nag sitakbuhan papunta din sa stall na iyon. Naramdaman lang namin iyong gutom nung naamoy na namin itong burger na ito.

Hindi naman sila aalis din diba? Hahanapin na lang namin ulit sila kung wala na sila duon. Basta mapuno lang namin ang mga tiyan naming gutom na gutom.

Naka ilang burger na kami nung nagdecide na kaming tumigil at mag punta na sa club.

---

Macy's point of view

Naging successful iyong umpisa ng plano namin.

Medyo may tama na siya tapos na tapunan na din siya ng alak kaya for sure lagkit na lagkit na siya. Nag yayaya na ngarin siyang umuwi dahil gusto niya ng maligo but pinigilan namin siya.

Lumabas na din iyong iba para sumayaw sa ibaba. Ngayon na lang daw sila nakapag club ulit dahil hindi sila pinapayagan ng mga boyfriend nila.

Kahit ako naman hindi rin pinapayagan ni Justin. Pumupunta lag ako sa ganito kapag kasama ko siya.

Naiwan kaming dalawa ni Daisy dito sa loob.

"Ate Macy. May boyfriend ka na diba?" Tanong niya at halata ko na na may tama na siya.

"Oo bakit mo na tanong?" Sagot at tanong ko sa kanya pabalik.

"Wala lang. Nakakainggit ka kasi, naiinggit ako sa inyong lahat." Sagot niya at uminom. "Bakit kaya hindi pa din dumadating iyong lalaking magpapasaya sa akin? Tagal ko ng naghihintay pero wala pa rin." Malungkot niyang sabi at hindi ako nakapag salita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Well bahala na. Enjoy ko na lang talaga ang buhay ko". Sabi niya tapos tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sasayaw lang din sa baba. Maybe nasa baba na pala iyong ka forever ko." Sabi niya na nakangiti pero hindi pa rin abot sa mata tapos lumabas na siya.

So ako lang ang naiwan dito?

Text ko na nga lang si Justin para may magawa.

---

Maria's point of view

Magkakasama kaming nagsasayaw nila Gail sa dance floor ng biglang may humila sa kamay ko.

Hindi ko makita kung sino iyon pero nung na amoy ko na ang perfume na iyon, kilala ko na.

Sumunod lang ako sa kanya ng hindi nag sasalita dahil alam kong galit siya.

"Labs." Tawag ko sa kanya nung nakalabas na kami pero hindi siya sumagot.

"Labs, sorry na. Ngayon lang naman ako uit nag club diba?" Sabi ko sakanya habang nagpapacute pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

Nakakabadtrip na din itong lalaking to ah.

"Ayaw mo akong pansinin ah. Bahala ka diyan." Sabi ko sa kanya at nagtangkang pumasok ulit sa loob pero hinawakan niya ulit iyong kamay ko.

"Sorry din labs." Sabi niya.

"I love you." Sabi ko ng nakangiti.

"I love you too." Sagot niya at niyakap ako.

Oh diba? Tapos ang away. Galing ko talaga hahaha.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon