CHAPTER EIGHTEEN

130 8 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Macys point of view

"Daisy!" Sigaw ni Jerome pag kabukas na pagkabukas niya ng pinto.

Nakita namin si Kyle na nakaharap kay Daisy na hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Si Daisy ay nakatalikod sa amin pero nung napansin niyang bumukas na iyong pinto, lumabas siya ng walang sinasabi sa amin at pumasok sa kwarto namin.

Nakita ko iyong mukha niya pero hindi ko maintindihan iyong expression niya. Wala akong mabasa.

Nagtangkang sumunod iyong sila Maria kay Daisy pero pinigilan siya ni Sunny. Tumingin ako kay Kyle na halata mo na nasasaktan siya.

Hindi pa rin kami guumagalaw sa pagkakatayo namin pero nagulat na lang kami nung biglang sumugod papalapit si Jerome kay Kyle.

Akala namin susuntukin na ni Jerome si Kyle kaya nag madali kaming habulin siya pero tumigil din siya sa harapan niya.

"Anong nangyari kanina?" Mahinahon na tanong ni Jerome.

Kilala naming lahat si Jerome. Siya ang pinakamadaling maasar sa amin. Kapag napikon na siya, baka kung anon a ang gagawin niya. paano pa kaya kung nagalit siya? Suntukan na agad ang magiging resulta pero nakakapag tataka lang na hindi siya gumamit ng kamao niya ngayon.

Hindi sumagot si Kyle. Na trauma na ata.

Nagkatinginan na ang mga lalaki at nagseniyasan na humanda na sila dahil baka biglang suntukin ni Jerome si Kyle dahil hindi siya sumasagot sa tanong niya.

Pero nagulat nanaman kaming lahat sa ginawa ni Jerome.

Hinila niya si Kyle papahiga sa higaan at hindi naman naglaban si Kyle.

"Magpahinga ka muna pero humanda ka sa akin bukas. Babala ni Jerome at nahiga na din.

"Mag pahinga na rin kayo." Sabi ni Jerome sa amin kaya umalis na rin kami at pumunta sa kwarto.

"Ano kayang nagyari sa kanila?" Tanong ni Glenda.

"Alam ngarod natin eh wla naman tayo doon kanina diba?" Pabalang na sabi ni Maria na ikinairap lang ni Glenda.

"Huwag na nga kayo mag asaran. Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Guys, huwag niyo muna tatanungin si Daisy about sa nangyari ah. Hayaan muna natin siyang magpahinga." Sabi ni Sunny at sumangayon kami.

Gusto ko na din naming magpahinga dahil inaantok na kami kaya humiga na rin kami.

Tumabi sa amin si Glenda dahil si Daisy ang katabi niya at ayaw niyang maistorbo si Daisy kaya tuabi na lang siya sa amin.

Ilang minuto din ang lumipas, dinalaw na kami ng antok.

---

Charles' point of view

Nagising ako nung napansin kong may araw na habang iyong ibang mga lalaking kasama ko ay tulog na tulog pa din.

Tinignan ko iyong phone ko at nakita kong 9:37 na ng umaga.

Tumayo na ako at pumunta sa CR para makapag hilamos na pero may nakita akong pink na note na nakadikit sa may pinto namin.

Kinuha ko iyon at binasa.

Boys! Magkahiwalay iyong activities natin ngayon. Magsama sama kayong mga lalaki at magasama sama kaming mga babae. Bahala kayo sa buhay niyo ngayong araw. Kung nakita niyo kami or nag kasalubong tayo sa kung saan, hayaan niyo lang kami at iyon din ang gagawin namin. Miguel, Charles and Dean isipin niyo na single muna kayo ngayong araw, dont dare to call or text your girlfriends dahil hindi nila sasagutin iyon. Its our girls day kaya mag saya din kayo sa boys day niyo.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon