CHAPTER 33

131 8 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

Angelo's point of view

Papasok pa lang kami ni Kurt sa Club nung nakita kong papalabas si Daisy.

"Daisy. Nakita mon a ba si Kyle?" Tanong ko sa kaniya but hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang papalabas.

"Anong nangyari duon?" Takang tanong ko kay Kurt.

"Malay ko. Sabay lang kaya tayong pumasok dito." Sagot sa akin ng mokong na si Kurt. Kung pwede lang pumatay ng kaibigan, siya ang una kong papatayin.

Hindi ko na lang pinansin ang tukmol na kasama ko. Naglakad na lang ako at hinanap si Kyle.

Sabay kaming napahinto ni Kurt ng dahil sa nakikita namin.

"Kurt." Tawag ko kay Kurt.

"Oh?" Tanong niya pero tulala parin kaming dalawa sa nakikita namin.

"Alam ko na ang dahilan kung bakit ganong lumabas si Daisy." Sabi ko.

"Ako rin." Sabi niya rin.

"Sa tingin ko, kailangan mong sundan si Daisy dahil baka kung ano ang mangyari duon." Sabi ko sa kaniya pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Kyle na may kahalikang babae.

"Sa tingin ko din, iyon ang kailangan kong gawin." Sabi ni Kurt at nagmadali ng lumabas ng Club para mahabol si Daisy.

Pero maya maya bumalik din ito na parang may nakalimutan. "Tol. Susi ng kotse."

Kahit na ayaw kong ibigay sa kaniya iyong susi, no choice ako.

Pag kabigay ko sa kaniya, agad na siyang tumakbo papalabas habang ako naman ay nakatayo pa rin at hindi makapaniwalang pinapanood si Kyle.

"What a jerk you are Kyle Torres". Bulong ko sa sarili ko at nagpapsiya ng lumapit sa kaniya.

"What the hell?" Iritadong sabi sa akin nung kahalikan ni Kyle dahil bigla ko na lang kasi pinaghiwalay ang nagtutukaang labi nila.

"Hey bro? Samahan mo akong uminom." Lasing na sabi sa akin ni Kyle nung nakita niya ako.

"Lasing ka na Kyle. Iuuwi na kita." Sabi ko sa kaniya at hihilain sana siya pero lumayo siya sa akin.

"I dont like to go home bro. Dito lang ako. Maalala ko lang siya kapag nasa condo ako." Nasasaktan na sabi niya sa akin.

Ngayon ko na lang siya nakitang nasasaktan ulit. Pero bakit siya nasasaktan? Hindi naman daw sila nag away ni Daisy. Pero sigurado akong mag aaway na sila niyan kasi nakita n Daisy na may kahalikan siyang babae.

"Ayaw niya pa daw umuwi. Hes having fun with me." Sabi nung babae at tangkang hahawakan si Kyle but tinabig ko iyon.

"Dont dare to touch this man you slut. Huwag kang pumapatol sa lalaking may karelasyon pwede? Umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong laspagin kita sa kama gamit ang dalawang kamay ko." Malamig na tanong ko sa kaniya at mukhang natakot naman at umalis ng walang sabi sabi.

"Bro, lasing na lasing ka na." Sabi ko sa kaniya at inalalayan siya makatayo. Hindi naman na siya nanglaban at hinayaan na lang ako na alalayan siya.

Alam kong mataas ang tolerace ni Kyle sa akak kaya nagtataka ako kung gagano kadaming alak ang nainom niya para malasing siya ng sobra sobra gaya ng state niya ngayon.

Kinapa ko iyong susi sa bulsa niya para mabuksan iyong kotse niya at maiuwi na siya.

Nung pinaandar ko na ang kotse, tatawagan ko na sana si Kurt pero saktong tumawag na siya sa akin kaya sinagot ko ito ka agad.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon