CHAPTER ELEVEN

159 8 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Daisys point of view

"'Tapos ka na?" Rinig kong sabi ng taong nasa likod ko.

And thats Kyle. Kilalang kilala ko pa rin iyong boses niya kahit ilang taon na ag lumipas. Pati ang way na pag-tap niya sa likuran ko ganon pa rin.

Nag-mumog ako at naghilamos nung alam kong wala ng mailalabas at umalis na ng hindi man tinitignan si Kyle.

Pero hindi pa lang ako na kakalayo, hinawakan niya ang pulso ko at iniharap ako sa kanya.

"Ano ba talaga ang problema mo sa akin Daisy?" Frustrated na tanong niya. "Bakit ganiyan ka sa akin? may nagawa baa ko sayong masama at ano ang sinasabi mong nagbago na ako nung hindi ka pa umaalis ng Pilipinas kanina?" halos pasigaw nan a tanong niya sa akin.

Hindi ako kumibo kahit na gusto kong sigawan din siya at sabihin iyong mga hnaing ko sa kanya.

"Ano ba Daisy! Magsalita ka naman oh?" Sigaw niya sa akin na may nagmamakaawang mata kaya hindi ko na napigilang magsalita.

"Kapag nagsalita na ba ako, titigilan at lalayuan mo na ako?" tanong ko sa kanya ng mahinahon.

"Oo, kung iyan ang gusto mo. Basta gusto ko lang malaman ang dahilan mo kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin."sabi niya.

Ginawa kong blanko ang emosyon ko at tingnan siya sa mata. Isa ito sa natutunan ko sa Barcelona. Kailangan mong itago ang tunay mong emosyon para hindi iyon mabasa ng mga kalaban mo.

Mas maganda na din siguro na magsabi ng totoo para matapos na.

"When we broke up, you changed. I said we can be still friends but hindi mo naman na ako pinapansin, iniiwasan mona din ako. Then later on, nalaman ko na may girlfriend ka na? Ganon lang siguro ako kadaling kalimutan no? But naisip ko noon, anong karapatan ko mag selos or masaktan? Eh ako naman ang naki pag break diba? Kasalanan ko naman." I stopped. I compose again myself dahil konti na lang masisira na.

Hindi din siya nagsasalita, nakikinig lan siya at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Then ilang years ang lumipas, I still dont have a boyfriend. Kahit man liligaw nga wala. I always turn them down. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa kanila eh gwapo at mababait din naman sila. And sila ate Sunny at iyong ibang girls nafrufrustrate na sa akin kung bakit wala pa rin daw akong boyfriend, kaya gusto nilang may ipakilala sa akin na mga lalaki. May ipinakilala nga sila sa akin. Si Jordan, I like him. Madali siyang pakisamahan but nalaman kong close friend mo siya kaya chinat kita, asking if payag kang ligawan ako ni Jordan but you just read my message and never replied back. Ewan ko din kung bakit pa kita tinanong nung mga panahon nag mukhang taga tuloy ako." Sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Anong message? Wala man akong nabasa noon." He denied.

"Wala na akong paki kung nabasa mo o hindi dahil tapos na at hindi na natin mababalikan pa iyon." I said calmly without showing any emotions at natahimik siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkwekwento ko. "But kahit na hindi ka nagreply, binusted ko pa rin si Jordan. And you entered college at ako ay nagpunta na sa ibang bansa at duon na pinagpatuloy ang pagaaral ko and we lost completely our connection to each other. At ngayong tapos na ang kwento ko, sana tuparin mo iyong sinabi mo kanina na titigilan at lalayuan mo na ako." I said staring at him deeply.

"Bakit mo piniling mag aral sa ibang bansa kung pwede ka namang mag aral dito? Is it because of me? Para malayuan mo ako?" He asked me and I was caught off my guard. Hindi ako ready sa tanong na iyan. Kaya nga hindi ko sinabi iyong dahilan ko kung bakit ako nag aral sa ibang bansa para hindi niya ako tanungin.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon