CHAPTER TWENTY-EIGHT
Daisy's point of view
Nag aayos ako ng sarili ko habang nakaharap sa salamin. I will meet a friend. Classmate ko siya nuong junior high or sabihin natin naging crush ko din.
Kyle was still the man that I love that time but pwede pa rin naman akong mag kagusto sa iba diba? Crush lang naman. Pag hanga.
But kahit na nalaman niyang gusto ko siya, magkaibigan pa rin kami. Thats the real reason why I will meet him.
About kay Kyle? Kilala na siya ngayon nila mama at papa. Nagulat pa nga ako nung bigla na lang siyang dumating sa bahay namin at nagpakilalang boyfriend ko siya.
Hindi naman nagalit sila mama at lalo na si papa dahil alam naman na daw namin ang tama at mali and matatanda na kaming dalawa.
Nung naka ayos na ako. Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kina mama at papa.
"Ma! Pa! Alis na po ako." Sigaw ko dahil hindi ko alam kung nasaan sila.
"Uuwi ka ba agad anak or duong kana magpapalipas ng gabi?" Sigaw din na tanong ni Mama. Nasa banyo kasi siya.
"Hindi muna po ako makakauwi ma. Siguradong gagabihin ako duon. Pasabi na lang po kay papa. Love you bye!" Sagot ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Ill meet Jovan in Manila.
Gusto pa nga niyang siya na lang ang lumuwas at puntahan ako dito but I insist. Gusto ko kasing mag punta duon para na rin madalaw si Kyle.
Miss na miss ko na kasi siya. Lagi na lang boses niya ang naririnig ko sa kaniya. I will go there to surprise him.
Speaking of
Napatingin ako sa phone ko nung biglang may tumawag and thats Kyle.
"Hey baby! What are you doing?" Bungad niya sa akin.
"Nag dradrive ako. Im meeting my friend." Sagot ko sa kaniya.
"Sinong kaibigan? Diba na kasama mon a sila noon?" curious na tanong ni Kyle sa kabilang linya na sigurado akong nakakunot na ang nuo ngayon.
"Yup but hindi sila, kaibigan ko nung junior high." Sagot ko sa kaniya.
"Name please." Seryoso niya tanong. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging praning niya minsan.
"Javon. Javon Salas." Sagot kong totoo. Ayaw ko ding mag sinungaling sa kaniya.
Javon? Iyong lagi mong kwinekwento kina Maria noon? Halos pasigaw na sabi ni Kyle sa linya.
"You know him?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Of course! Hindi ako bingi Daisy para hindi ko marinig kung paano ka mag kwento at kiligin noon. Akala ko ba ako lang ang lalaki mo?"
Fuck! Galit siya.
"Javon is my friend baby. Wala na akong gusto sa kaniya ngayon at crush ko lang naman siya noon ah." Malambing kong sabi sa kaniya.
Naging tahimik sa kabilang linya at ang naririnig ko lang ay ang malalim niyang pag hinga.
"Fine. I trust you. Huwag na huwag moa ko ipag papalit baby okay?" He calmly said that made my heart flutter again.
"Of course, baby. Kahit ako, huwag mo ipag papalit ah. Alam kong madami kang nakakameeting na magagandang babae diyan." Sabi ko na may pagbabanta.
"Yes boss." He said na ikinangiti ko. "Papatayin ko na baby. Nandiyan na iyong kameeting ko. Take care baby. I love you." pagpapaalam niya.
BINABASA MO ANG
Ex series #1: Ex is Back (Completed)
RomanceBeing in a relationship with one of your friends feels great. You already knew each other and your other friends supports your relationship because they trusted you both. But what if nagbreak kayo? Will you remain as friends? Or matatapos na rin...