CHAPTER FIVE

190 10 0
                                    

CHAPTER FIVE

Daisy's point of view.

"As you know, kadadating ko lang galing ibang bansa. Ilang taon akong hindi umuwi kaya marami na akong namiss na mga events ng mga childhood friends ko." I said habang tinitigan ang mga expression ng mga mukha nila.

"Mag kakaroon kami ng reunion this Saturday, I asking you a favor na payagan mo si Kyle." Sabi ko na wala pa ring emosyon.

"Okay. Saturday lang ba? No prob." Masiglang sabi ni Mike at nagtawanan ang iba pa niyang mga kaibigan.

"No. Its five days and four nights." Sabi ko na ikinatahimik nila.

"Oh, five days and four nights" Sabi niya at napasipol.

Tumingin siya sa mga kaibigan niya at tinanong sila.

"Papayagan ko ba?" Tanong niya sa mga kaibigan niya na may pilyong ngiti.

Sa paguugali niyang ganito, hindi mo aakalain na may asawa na siya.

"Oo naman." sabay sabay na sagot ng mga kaibigan niya

Napatingin ako kay Mike. "So okay na? Wala ka na bang ibang favor?" Tanong niya.

"Wala na. Thank you for your time Mike. I have to go." Sabi ko at tumayo para makipagkamay.

Tinignan ko din ang mga chismosong ito at nagpaalam.

"Thank you din sa inyo Angelo, Russle, Kurt and Justin dahil pumayag kayo." I said at ngumiti ng matamis kahit sa isip ko nababatrip na ako.

Gusto ko nang makalabas dito sa lalong madaling panahon dahil baka mamaya hindi k na matatago ang galit ko.

Bago ako papalabas tinawag ako ni Angelo.

"Miss Daisy. Dont dare to fall okay." Makahulugang sabi niya.

"What do you mean?" Kunwari kong tanong eh ang totoo, nagets ko naman.

"Nothing." Sagot niya at ngumiti.

Nginitian ko din siya at lumabas na ng office na iyon.

Kahit gusto kong maging formal ang meeting naming but nanduon naman kasi ang mga kaibigan ng ulol.

Pagkalabas ko n building, sumakay na ako agad sa kotse at pinatakbo ito.

I texted Ate Sunny na pwede na niyang sabihin sa kanila about sa reunion at nakapagpaalam na rin sa mga boss nila na day off nila ng ilang araw.

---

Angelo's point of view.

"Woah!" Amazed na sabi ko pagkalabas ni miss. Daisy.

"Shes hot." Bulong ni Kurt na nakatingin pa rin sa pinto na pinaglabasan ni Daisy kanina.

"Pinakawalan ni Kyle iyon?" Dagdag pa niya.

"Hello Kyle. Nasan ka na?" Napatingin kami kay Mike dahil kausap niya si Kyle.

Grabe! Kung ako si Kyle noong mga panahon na iyon, hindi pa rin ako makikipagbreak kung ganoon kaganda ang girlfriend ko.

"Bilisan mong umakyat may ikwkwento kami saiyo," Sabi ni Mike habang nakangiti. Naeexcite siya sa mangyayari.

---

Kyle's point of view

Ano nanaman kaya problema ng mga lalaking ito?

Umakyat ako papunta sa office niya at nakita ko silang lahat na nakatayo habang nakaabang saakin na may nakakalokong ngiti sa mga mukha nila.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon