CHAPTER SEVEN

174 10 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Daisy's point of view

Natulog at nagpahinga muna ang lahat pagdating naming dito sa resort pero hindi ako makatulog kaya nagdecide akong mag ayos na lang ng mga gamit at mga kakainin namin mamaya.

Pero nakita kong nakaayos na. Inayos na siguro ni ate kanina. Nanduon na iyong tent na gagamitin namin para mamayang gabi at iyong mga pagkain at inumin.

Dahil wala akong magawa at ayaw ko naman ng mahiga, lumabas na lang ako at kinuha ang camera ko.

Maganda kasi talaga ang resort na ito, hindi pa masyado madami ang tao ngayon pero maya maya lang daw medyo dadami na daw especially bukas na Sunday, mag sisidatingan ang mga mag papamilya or iyong mga magrereunion tulad din namin.

Palakad lakad lang ako sa may pang pang habang kumukuha ng mga pictures. Hindi din masyado mainit dahil natatakpan ng makakapal na ulap ang araw kaya hindi masakit sa balat at mata.

Picture lang ako ng picture ng may biglang humarang sa camera ko. Tinignan ko kung sino iyon at hindi ako nasiyahan nang makilala ko.

"Problema mo?" Tanong ko ng seryoso. Hindi ako ngumiti, ayaw kong ngumiti dahil naasar talaga ako.

"Wala naman. Gusto lang kita makasama." Sabi ni Kyle na ikinatawa ko ng mapait.

Gusto akong makasama? Sinong niloloko niya? Akala niya hindi ko alam ang plano niya, pwes nag kakamali siya.

Alam ko ang lahat, lahat lahat.

"Talaga?" Tanong ko na sarcastic.

"Oo naman." sagot niya at ngumiti ng malawak. Akala niya siguro nakukuha na niya ang loob ko.

"Pero ako hindi. Ayaw kitang makasama kung pwede lang." Masungit na sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.

Pero ang loko hinarang na naman ako.

"Ikaw anong problema mo?" Seryosong tanong niya. Nabadtrip na rin siguro siya. "Ngayon ka na nga lang bumalik at ngayon na lang din tayo makakapag usap after long years tapos ganyan ka pa." Sabi niya ng pasigaw.

Anong pinaglalaban niya? Bakit siya sumisigaw?

"Ano ngayon? Bumalik ba ako para magusap tayo?" Sagot ko sa kanya at mabilis na bumalik sa hotel. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod dahil kung sumunod siya, sasapakin ko na siya.

"Jerk".

Kyles point of view

Woah!

Hindi ko inaasahan na nagbago na din ang paguugali niya. Hindi naman siya ganon dati or baka sa akin lang siya ganon?

Hindi muna ako bumalik sa hotel agad dahil baka magkita na naman kaming dalawa at magsagutan. Nakakabadtrip siya. Nasira na iyong araw ko dahil sa kanya.

Bakit ang init ng ulo niya sa akin? May nagawa na baa ko masama sa kanya? Eh ngayon lang naman kami nag kita. Im sure na wala.

Naalala ko iyong dare nila Angelo.

Mukhang malabo na magawa ko iyon ah. Ni ayaw niya nga ako palapitin sa kanya, maikama pa kaya.

Bumalik na ako sa loob ng papalubog na ang araw. Nadatnan ko na din silang naghahanda na papalapas.

Oo nga pala, sa tent pala kami matutulog ngayon.

Tumulong na akong magbuhat para mas mababilis. Inayos na naming mga lalaki ang tent at bonfire habang ang mga babae naman ay bumalik sa loob para makapag palit.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon