CHAPTER SIXTEEN
Gail's point of view
Kamusta na kaya iyong dalawang iyon? May nangyayari na kaya sa kanilang dalawa? Sana meron nga. Parehas pa naman silang nakainom kanina. Sana hindi nila mapigilan.
Hihihi.
Tama ba na ikulong natin sila doon? Paano kung may nangyari sa kanila?" napatingin kaming lahat kay Jerome dahil sa sinabi niya.
Oo nga pala, over protective pala siya kung ang usapan ay si Daisy.
"Relax ka lang Jerome. Nakita mo naman kanina na mahal pa ni Kyle si Daisy at ganon din si Daisy kaya ayos lang yan and matatanda naman na sila kaya pwede na nilang gawin iyon." Sabi ni Maria na may pilyang ngiti pero tinignan siya ng masama ni Jerome kaya nag tago siya sa likod ni Miguel.
Hindi pa rin talaga nagbabago iyong ugali niyang ganon. Laging nagtatago sa likod ng boyfriend niya.
"Kahit na mahal pa rin nila ang isat isa kung hindi naman nila inaadmit sa sarili nila, wala pa ring mangyayari! Masasaktan lang silang dalawa at lugi si Daisy kung may nangyari nga!" Sabi ni Jerome na nawawala na sa sarili.
Minsan talaga hindi makaintindi ang lalaking to.
"Jerome huminahon ka nga. Kaya nga kinulong namin sila duon para maadmit na nila sa sarili nila na mahal pa nila ang isat isa at kung may mangyari man sa kanila dapat panindigan ni Kyle iyon kung ayaw niyang malintikan sa akin." Sabi ni Ate Sunny na ikinatahimik ni Jerome.
Wala na nagsalita na ang reyna. Minsan hindi ko din maintindihan ang mood ni Ate Sunny. Minsan isip bata siya tapos ngayon daig niya pa ang nanay kung mag salita.
"Basta kasalanan niyo kung nasaktan na naman silang dalawa." Sabi ni Jerome at nanahimik na.
Bumalik na lang kami sa sarisarili namin businesses pero maya maya nagkayayaan kaming maglaro ng uno cards.
---
Kyle's point of view
Tahimik pa din kaming dalawa hanggang ngayon. Naka upo pa rin siya sa sahig habang nakasandal sa pader at ako naman ay nakahiga habang naka tingin lang sa ceiling.
Mas maganda ng hindi kami mag usap dahil may tama ako habang siya naman ay naka high.
Napatingin ako sa kanya.
Nakapikit siya habang naka sandal sa pader. Ewan ko kung tulog na siya o hindi pero ang ganda niya pag masdan.
After ilang taon ngayon ko na lang natitigan ulit iyong mukha niya. Iyong mahahaba at makakapal niyang pilikmata sa singkit niyang mata tapos iyong ilong niyang maiit kahit na hindi masyado katangusan at ang labi niyang hugis puso na sa tingin ko ay masarap halikan.
Naalala ko tuloy nung nasa iisang kwarto kami noong kami pa. Parehas kaming nakahiga pero ako tinitigan ko lang siya. Tinangka ko siyang halikan sa labi noon pero bigla niyang hinarang iyong bibig ko gamit iyong unan na hawak niya. Tinignan ko siya na may gulat sa mata pero naka ngiti lang siya sa akin. Gusto ko na talaga siya halikan nung mga time na iyon pero ayaw niya, lagi niya akong nahaharangan. Kahit hindi siya iyong first kiss ko, gusto ko ako iyong first kiss niya nung ga panahon na iyon.
Tinanong ko siya noon kung bakit ayaw niya at ang sinagot niya lang ay masyado pa daw kaming batang dalawa kaya pinalipas ko na lang at hihintayin ko iyong tamang panahon na iyon but wala na, nag break na kami.
"Minahal mo ba talaga ako noon Daisy?" Hindi ko alam kung ano ang iniisip ko at tinanong ko siya pero wala na, nasabi ko na.
Minulat niya iyong mata niya kaya nag salubong ang tingin namin dalawa. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nag salita.
BINABASA MO ANG
Ex series #1: Ex is Back (Completed)
RomanceBeing in a relationship with one of your friends feels great. You already knew each other and your other friends supports your relationship because they trusted you both. But what if nagbreak kayo? Will you remain as friends? Or matatapos na rin...