EPILOGUE

243 6 2
                                    

EPILOGUE

Daisy's point of view

"Malapit na tayong bumaba baby." Nakangiting sabi sa akin ni Kyle.

"Akala ko hindi na ako makakabalik sa Pilipinas." Halo halong emosyon kong sabi.

"Hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon baby. Kaya nga kita sinundan sa kahit saan ka magpunta, kahit na galit na galit ka sa akin dahil gusto kong ibalik ka dito sa Pilipinas." He said that melted my heart.

I kissed his lips first. "That sweet mouth of yours baby." Nakangiti kong sabi ulit. Kagaling niya kasing magpakilig. Siya kaya? Kinikilig din kaya siya sa akin?

Mayamaya bumaba na ang eroplano.

Paglabas namin sa airport. Nakita namin na nandoon si Angelo at Kurt na kumakaway. Kaya nilapitan na namin sila.

"Hey man. Buti na uwi mo pa si Strong Lady?" Nakangiting tanong ni Kurt kay Kyle.

"Siyempre. Hindi ako uuwi hanggang hindi ko siya kasama." Proud na sabi ni Kyle.

"Thats my man." Sabi ni Angelo at inangat iyong kamay niya at nakipagapir kay kyle. Natawa na lang ako ng dahil sa ginawa nila.

"Ito na iyong susi mo." Inabot ni Kurt ang susi kay Kyle. "Thanks man." Sabi ni Kyle at nagsimula na kamin lumakad papuntang parking lot kung saan nakapark iyong kotse niya.

"Bakit laging magkasama iyong dalawang iyon? Ni minsan hindi ko pa sila nakitang hindi magkasama." Sabi ko kay Kyle nung nasa loob na kami ng kotse.

Natawa muna siya bago sumagot. "Because sila na lang ang single sa aming magkakaibigan kaya nagdadamayan silang dalawa. Believe it or not, lagi din nila ako kasma nung panahong wala kapa." Sagot niya at pinakilig na naman ako.

Pinakalma ko iyong sarili kong gustong mapangiti at tinignan siya ng seryoso. "Mr. Torres. Huwag mo ako masyadong pakiligin pwede? And focus on the roads baby." Sabi ko sa kaniya.

"Okay. Ill focus on the roads but later Ill only focus on you baby." Sabi niya at napakagat ako ng labi para pigilan ang ngiting gustong lumabas.

"Stop forcing yourself to stop smiling baby coz I know na kinikilig ka." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya but nasa daan na ang atensyon niya.

Humugot na lang ako ng malalim na hininga. Matutulog lang ako baby ah. Sabi ko sa kaniya nung nakaramdam na ako ng pagod at antok.

"Sure baby. Sleep well. I love you." Sabi niy sa akin kahit na magkalapit lang kamin.

"I love you too." Sagot ko at hinayaan na ang sarili ko na magpahila sa antok.

---

Kyle's point of view.

Napangiti ako habang nakatingin kay Daisy na mahimbing pa rin ang tulog kahit na kanina ko pa siya ginigising.

Lagi siyang ganito. Once na nakatulig na, kahirap ng magising. And thats because of my baby inside of her tummy.

Iniisip ko pa lang na may anak ako sa tiyan niya hindi ko maiwasang kiligin at mapangiti. Im so happy na mag kakaroon na kami ng anak. Iyong kasal na lang talaga ang kulang saamin.

I kissed her first before I carry her. Kahit na binuhat ko na siya, hindi pa din siya gumigising.

Pagkapasok ko sa condo ko. Inihiga ko na siya ng maayos sa kama ko.

"Thank you honey. Im so damn happy na pinatawad at bumalik ka sa akin pagkatapos ng kagaguhan na nagawa ko." bulong ko sa kaniya pero alam kong hindi niya iyon narinig dahil sobrang himbing ng tulog niya.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon