Daisy's Point of view
"ANO ba Daisy! Ano pa iyang ginagawa mo dyan! Kumpleto na raw sila doon sabi ni Macy! Tayo na lang daw ang hinihintay!" Sigaw na sabi ni ate na para bang nasa kabilang bundok ako.
"Iyan na wait." Sabi ko at binilisan na ang galaw.
Birthday kasi ni Ate Macy ngayon. Duon kami mag didinner na mag kakaibigan. May handa siya pero simple lang. Kaming mga kaibigan at pamilya lang ang inenvite niya.
"Bilisan mo. Uulan na oh."
Tag-ulan na. ang bilis talaga ng panahon.
Nang tapos na ako nag-ayos. Lumabas na kami ni ate para makapunta duon. Mga tatlong minutong lakaran lang naman ang Bahay nila mula sa amin. Pero wala pa atang isang minute, nakarating na kami ni ate duon. Bigla kasing umambon kaya tumakbo na kami kasi baka lumakas pa iyon at mabasa kami. Kakaligo pa man din namin.
Pagkarating namin duon, nandon na nga sila at nasa mesa na iyong pag kain namin. Umupo si ate sa bakanteng upuan sa tabi nila Glenda habang ako naman at sa may tabi ni Gorge.
"Sino iyong kulang sa atin?" Tanong ni ate pag kaupo.
"Si Kyle at Jerome lang." Sagot ni ate Maria kaya napatingin ako sa paligid para malaman kung totoong wala siya.
"Nasa Ilokos si Jerome ngayon. Bakit nasan si Kyle?" tanong ulit ni Ate.
"Wala, nasa Capas si Kuya." Sagot ni Glenda. Tumango na lang si ate at hindi na nagtanong pa.
Bago kami kumain, kinantahan muna namin si ate Macy para iblow na niya ang candle at mag picture taking pagkatapos. Maingay kaming mag kakaibigan dahil sadyang madadaldal talaga sila. Lalo na si Ate Maria, Glenda at ate Sunny na madaming baon na chismis para mapag kwentuhan.
Pero kabag nag simula naman na kami kumain, Feeling ko nasa loob kami ng library dahil sa katahimikan.
Nang natapos na kami. Inayos na namin ang mga pinagkainan namin para hindi makalat tignan ang mesa.
Natatawa ako kay Gorge ngayon na tahimik lang sa upuan. Busog na busog kasi. Dalawang coke ba naman ang inumin, sino ang hindi mabubusog?
"Oy." Tawag sa akin ni kuya Billy na katabi lang ni Gorge kaya napatingin ako sa kanya. I just nodded para pansinin naman siya kahit papaano. Itinaas niya iyong kamay niya para makipag apir sa akin kaya tinanggap ko iyon kahit naiilang na rin ako sa kanya.
Kahit wala sa amin ang atensyon nila, alam kong mapapansin pa rin nila iyong ginawa namin at lalagyan na naman nila ng issue iyon.
Sa aming lahat. Kay kuya Billy ako pinaka close. Sobrang komportable ako sa kanya to the point na kaya kong mag-open sa kanya. Nakwekwento ko iyong gusto ko ikwento. Nasabi ko kung ano ang gusto kong sabihin at nandon siya palagi sa tabi ko para makinig.
He's my boy bestfriend.
But simula nung napapansin kong nilalagyan na nila ng malisya iyong closeness namin. Bigla na akong naiilang. Sa mga sumunod na araw, nararamdaman at napapansin ko na na may gusto sa akin si kuya. Mas na confirm ko pa iyon nung nag iiwan sila ng clues tuwing nag uusap sila through words, smile at kahit iyong mga tinginan nilang lahat para mahulaan kong may gusto nga siya sa akin.
Hindi nila alam na alam ko. Wala rin naman akong balak na sabihin sa kanila na alam ko. Mas maganda ng hindi nila malaman para maipag patuloy ko ang pagbabalewala. Hinahayaan ko lang sila tuwing niloloko nila kami.
Hiling ko lang na, hindi aamin si Kuya Billy sa harap ko na gusto niya talaga ako. Kapag ginawa niya iyon. Masisira ang pagkakaibigan namin.
Lumipas ang ilang minuto, patuloy pa rin sila sa pagdadaldalan habang busy sila na nag secellphone. Ako rin nag secellphone actually. Tahimik lang ako na nakaupo at hindi sumasali sa usapan nila. Ibang table na rin naman sila, kuya Dean, Charles, Billy at Gorge. Iinom kasi sila.
Mas umingay pa kaming lahat nung nag labas ng uno cards si ate Macy. Tawa kami ng tawa at kinakabahan rin dahil baka matalalo kami. Truth or Truth ang parusa ng matatalo.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ng dalawa na lang kami ni Ate macy ang natitira sa laro. Pero napabuntong hininga na lang ako nang ako ang natalo. First game na first game, talo agad ako.
"Tanungin niyo na siya bilis!" Sigaw ni kuya Clarence. Kasama namin siyang nag lalaro kasi ayaw niyang uminom.
Si ate Sunny ang unang nanalo kaya siya ang dapat mag tanong pero hindi nangyari iyon dahil sa pang susulsol nila ate Macy.
Alam ko na ang tinginan nilang dalawa kaya may hula na ako kung ano ang tatanongin nila sa akin.
"Huwag niyo na ituloy kung iyon ang tatanungin niyo." Nakangiti pero seryosong sabi ko sa kanila pero hindi naman nila ako pinansin.
"Kung papapiliin ka. Si Kyle o Billy?" Tanong ni ate na nag patahimik sa lahat. Ewan ko kung narinig iyon ni Kuya Billy pero sa tingin ko oo kasi inulit ulit pa nila Jolly iyon kaya napatingin ako sa likod kung saan sila umiinom.
Narinig siguro nila pero hindi lang nila kami pinansin kasi busy silang naglalaban sa phone habang umiinom. Hinarap ko na ulit sila pero hindi pa rin sumagot.
Wala akong gustong piliin. Kahit na nandyan wala si Kyle. Pwede pa ring makarating sa kanya kung ano ang sagot ko.
Kapag pinili ko si Kyle, iisipin nilang mahal ko pa rin siya. Totoo naman pero ayaw kong malaman nila iyon.
Kung si Kuya Billy naman ang pinili ko, iisipin nilang may gusto na rin ako sa kanya. Maririnig din ni Billy iyong sagot at baka isipin niyang gusto ko nga siya. Ayaw ko siyang paasahin.
Dahil hindi ako sumasagot at nakaramdam naman si Ate Sunny na hindi ko iyon sasagutin kahit anong mangyari, pinalitan na nila iyong tanong.
"Kanino ka na lang ngarod mas komportble?" Tanong niya pero sila na rin naman ang sumagot sa tanong. "Kay Billy syempre." Sagot nila at hindi ko na kinontra.
Nagpatuloy kami sa pag lalaro at hindi naman na ako ulit natatalo. Naubos naman na iyong inumin nila kuya kaya nakisali na lang sila sa amin. Hindi naman sila gaano ka lasing.
Naiilang man ako, tinawag ko sa tabi ko si Kuya para mawala na ang pagka-ilang na nararmdaman ko. Tumabi naman na siya sa akin sa kaliwa. Tumabi na rin naman sa akin sila kuya Dean at Gorge dahil may space pa naman sa tabi ko. Ako lang kasimag isa sa dulo ng ng mesa.
Nagsimula na ang laro at natatawa ako sa amin kasi may sarisarili kaming grupo at nag tutulungan. Pinapakita nila sa isa't isa iyong mga cards para matalo nila iyong ibang grupo. Hindi ako nakikisali sa kanila at kahit mahirap, tinatago ko iyong cards ko. Kapag nanalo naman na ako, duon pa lang ako tutulong sa kanila.
Pero kahit nakangiti ako at nakikitawa sa kanila. Sa loob ko ay nasasaktan ako. Pilit ko man itago iyong cards ko, nakikita pa rin nila iyon dahil sobrang dikit dikit kami. 13 kaming lahat sa hindi kalakihan at kahabaan na mesa.
Nasasaktan ako tuwing gumagawa ng paraan si kuya para manalo ako. Hindi niya binaba iyong mga may plus niyang cards kasi madadagdagan iyong cards ko.
naririnig ko rin iyong pag kuntsaba niya kay kuya Charles para maiba iyong kulay at matapos na ako.
"Nagpapalakas ka lang kay Daisy eh." Rinig kong bulong ni kuya Charles. Hindi ko na lang iyon pinansin. Patay malisya na lang din sa mga ginagawa ni Kuya Billy.
Ayokong mailang na ng tuluyan sa kanya. Mawawala iyong magandang pag kakaibigan namin. Masaya na ako sa kung ano ang meron kami. Sana hindi siya umamin dahil magiging rason iyon para masira kung ano lang ang meron samin. Sana mawala na ang nararamdaman niya sa akin dahil ayaw ko siyang masaktan ng dahil sa akin.
Nagsiuwian naman na kami ng 11:30 dahil pagod at inaantok na kami.
Nagsimula at natapos kami ng masaya at nag tatawanan pero ang puso ko ay nasasaktan dahil ayaw kong masaktan ang aking kabigan.
---
another special chapter. Totoong nangyari ito.
xoxo
-heartedlovelife
BINABASA MO ANG
Ex series #1: Ex is Back (Completed)
RomanceBeing in a relationship with one of your friends feels great. You already knew each other and your other friends supports your relationship because they trusted you both. But what if nagbreak kayo? Will you remain as friends? Or matatapos na rin...