CHAPTER EIGHT

167 8 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Daisy's point of view.

What did he just do?

Anong problema niya? Sino siya para gawin sa akin iyon?

Dahan dahan kong ibinaba ang kung ano mang binato niya sa mukha ko at tinignan siya ng masama. Umayos siya ng tayo pero halata ko pa rin na kinakabahan siya.

"Bakit mo ako binato?" Kalmadong tanong ko pero matulis pa rin ang tingin ko sa kanya.

Lumunok muna siya ng ilang beses bago sa nag salita.

"Kabasa mo kasi! Mamaya matuluan mo pa itong niluluto namin!" Sigaw niya na mas ikinainit ng ulo ko.

"Bakit mo ako sinisigawan? Sinigawan ba kita kanina?!" Sigaw ko din pa balik sa kanya. Bwisit talaga ang taong iyon.

"Parang ikaw hindi moa ko sinisigawan ah! Bahala na nga kayo diyan!" Sigaw niya ulit at nag walk out.

Problema ng lalaking iyon? Kala mo babae na may pa walkout walk out pa.

"Isuot mon a iyan Daisy. Kalamig pa man din." Sabi sa akin ni Kuya Billy.

Bigla naman akong na conscious at agada gad kong isinuot ang ibinatong robe sa akin ni Kyle kanina. Naalala kong tinanggal ko pala ang t-shirt ko kanina kaya bra na lang ang pang itaas ko ngayon.

Nasanay na kasi ako sa Barcelona eh. Kahit na mag huhubad ka, wala silang paki alam pero iba pala dito. Conservative pa rin ang mga Pilipino kahit papaano.

"Sorry." Pag papaumanhin ko sa kanila.

"Ayos lang. Nasanay ka lang siguro duon." Sabi ni Clarence at ngumiti.

Maligo na din kayo at ako na ang bahala dito." Sabi ko sa kanila at pumayag naman sila.

Tumakbo sila na parang bata habang tinatanggal ang pangitaas nila. Napangiti na lang ako ng dahil sa inakto nila.

"Bakit hindi ka pa maligo kuya?" Takang tanong ko kay kuya Billy.

"Alangan iwan kitang magisa dito. At namiss din kitang kasama magluto tulad nung bata pa tayo." Sabi niya at napangiti na lang ako dahil naalala ko na laging kaming dalawa ang nagluluto noon.

"Oo nga no? Nakakamiss nga." Sabi ko ng nakangiti,

"Kamusta ka na pala? Balita ko single ka pa rin?" Biglaang tanong niya.

Bakit lagi na lang nila pinapasok ang pagiging single ko?

"Ayos na ayos naman kuya pero huwag mon a ako tanungin kung bakit pa rin ako single pwede?" naka ngiti kong sabi at tumawa lang naman siya.

"Oo na, nagbibiro lang naman ako." Sabi niya sa gitna ng mga tawa niya.

Iiwanan kita dito kung hindi ka pa tumigil." Pagbabanta ko at bigla naman siyang nagseryoso.

"Iniwan mo na nga ako noon, iiwanan mo nanaman ako ngayon." Seryoso niya sabi na ikinatahimik naming dalawa.

Ilang sigundo ng katahimikan ang lumipas at sabay kaming tumawa.

"Hahahahaha. Ka corny naman nun kuya". Sabi ko habang tumatawa habang pinapalo siya.

Nawala ang tawanan namin ng bumalik si Kyle. Biglang naging awkward ang atmosphere namin at tumahimik.

"Malamit naman na kayong matapos magluto diba?" Tanong ni Kyle at tumango lang si Kuya Billy. "ihanda ko na ngarod iyong mga inumin natin." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon