CHAPTER TEN

158 8 0
                                    

CHAPTER TEN

Daisy's point of view

Mas lalalo akong kinabahan dahil unti uti nang tumaapat sa akin iyong bote.

Billy! Ikaw ang tatanungin!" Pag aanounce ni Ate Sunny sa naturo na ikinahinga ko ng maluwag.

Konti na lang ako na ang matuturo.

Sa pangalawang pag ikot, si Gorge ang nature so meaning siya ang magtatanong kay Kuya Billy.

"Gorge, tanungin mon a si Billy." Sabi ni Ate Sunny.

Tumingin na kami lahat kay Gorge habang hinihintay na sabihin niya ang tanong niya kay Billy.

"Kahit anong tanong diba?" Biglang tanong niya sa amin na ika-bwisit namin.

Pabitin dinsiya eh kahit kailan.

"Oo." Sabay sabay naming sagot sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago niya sabihi ang totoong tanong niya.

"Diba matagal na tayong magkakaibigan." Panimula niya at nakinig lang kami. "At alam na natin ang isat isa ng sobra. Tumango lang kami ng pagsangayon. So, Billy. Banggit niya sa pangalan ni kuya at tumingin siya dito ng deretso. "Sa tagal nating magkakaibigan, sino iyong pinaka nagustuhan mong babae sa grupo naitin? Hindi bilang kaibigan, but as a woman." Tanong ni Gorge at napatingin na kaming lahat kay kuya Billy habang hinihintay ang sagot niya.

Mahabang katahimikan muna ang naganap bago siya magtangkang mag-salita but mamaya isasara niya nanaman ang bibig niya. Parang nag aalangan siya sa isasagot niya.

"Uy. Billy! Sagot na." Pang preressure ni Ate Sunny.

Tinignan niya isa isa kaming mga babae. Nag umpisa siya kay ate Sunny hanggang sa tumigil ang tingin niya sa akin na ikinataka ko.

"Kuya sino daw?" Sabi ko sa kanya ng naka ngiti pero umiwas siya ng tingin sa akin at hinarap na si Gorge.

"Bobo ka talaga Gorge. Pinahirapan mo pa ang sarili mo. Kung itanong mon a lang kaya sa akin kung kanino ang nagkagusto." Sabi ni Kuya na ikinatawa na lang namin. Nag-uumpisa nanaman kasi silang dalawa.

"Gago. Paki mo ba? Ako nga ang magtatanong edi ako ang masusunod. Sumagot ka na lang kaya." Sagot pabalik ni Gorge sa pang loloko ni Kuya Billy na ikinatawa namin ulit.

"Oo na gago!" Sigaw niya pero maya maya naging seryoso na ang mukha niya at kami, hinintay na naming kung sino ang sa sabihin niya.

Gusto ko din malaman kasi hindi siya mahilig mag share ng nararamdaman niya sa amin, laging siya ang nakikinig sa amin at siya ang isa sa nagpapatawa sa amin noon.

"Ang babaeng nagustuhan ko noon ay si" pang bibitin niya sa amin.

"Sabahin mo na gago. Nagustuhan mo lang naman diba? Ibig sabihin dati pa. Past na. sabi ni Gorge.

"Si Daisy."

Natahimik kaming lahat ng dahil sa sinagot niya, lalo na ako.

I know.

Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Nagustuhan niya ako noon. Alam ko iyon. nararamdaman ko rin pero binabalewala ko na lang iyon para hindi masira iyong friendship namin. Gaya ng saamin ni Kyle noon.

"Gorge satisfied ka ba sa sagot ni Billy?" Rinig kong tanong ni Ate Sunny.

"Yup. Time na rin naman siguro mabulgar iyong mga naging sikreto natin nuong mga bata tayo diba Billy? Matagal ko na din kasi napapansin noon na iba iyong tingin mo kay Daisy but past na iyon diba? So ayos na. May girlfriend ka na rin naman na ngayon." Mahabang sabi ni Gorge.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon