CHAPTER 21

117 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Kyle's point of view

"Bwisit talaga iyong babaeng iyan ah. Sige pa, kausapin mo pa iyang gagong katabi mo. Humanda ka talaga sa akin kapag natapos iyog araw na ito." Rinig kong bulong ni Miguel habang nakatingin siya kay Maria na may katabing lalaki. Kahit sila Gail meron ding kasama kaya badtrip na badtrip iyong mga kasama kong mga lalaki ngayon.

Pero wala ng mas mababatrip sa akin. Sino ang hindi maaasar if your girl is up there and showing too much skin! Kulang na lang hubadin niya iyong lahat ng saplot niya. Kitang kita na iyong kaluluwa niya dahil sa suot niya.

That tattoo! Agaw pansin pa ito tuwing tumatalikod siya. Kung pwede lang bulagin lahat ng mga lalaki dito sa islang ito, kanina ko pa sila binulag.

God! Siya iyong pinakamaganda! Siya iyong pinaka agaw pansin sa lahat ng candidates na nasa taass kaya sigurado akong maraming lalaki na iyong humahanga sa kaniya ngayon!

Nakaswim suit na sila at si Daisy na ang susunod na lalabas. At paglabas pa lang na paglabas ni Daisy, nagsihiyawan na ang mga lalaki. Kung pwede lang talaga kalad Karin iyong babaeng iyon, kanina ko pa ginawa. Wala kasi akong karapatan. Nasaktan ko kasi siya.

Wala namang sinabi sa akin si Jerome kaninang nalaman niya iyong about sa dare, iyong ikinagalit niya lang ay iyong nalaman niyang may tattoo na si Daisy. Kami kasi mismo na lalaki, walang tattoo sa katawan but siye meron. Pero kahit ganon, nakakadagdag ng appeal iyong tattoo sa ganda niya.

Kaganda ng ngiti niya habang rumarampa siya. Iyong tingin ng mga mata niya! Sobrang nakakaloko. Alam niyang paglaruan iyong mga lalaki kahit gamit lang iyong ngiti at tingin niya.

Shes so sexy but she looked so innocent.

Nag katinginan kaming dalawa at nanigas ako sa kinakatayoan ko nung bigla niya akong kinindatan.

Shes a player!

"Did you see that? Kinindatan niya ako. Lalapitan ko talaga mamaya iyong babaeng iyan. Well go to heaven later." Rinig kong sabi nung lalaki na di kalayuan sa akin.

What? kinindatan ka niya? Sorry, its not for you. Subukan mol ang na lapitan siya, kung ayaw mong bugbugin kita. Heaven? Sige lang. papatayin kita para mapunta ka na talaga sa langit.

"Bubugin na ba natin pre?" Tanong ni Charles na may pang aasar. Hindi ko na lang siya pinansin at nanood na lang ulit.

But kahit na ayaw kong nasa harapan siya ngayon, Im still proud of her because shes so confident. Noon kasi halos ayaw niya mag suot ng mga fitted and revealing na damit kasi nahihiya siya. But look at her now. Shes confident and beautiful.

Nuong tapos na silang lahat, may mga dancer, singer at iba pa ang nag perform para maaliw muna ang mga tao habang nag papalit sila ng damit.

Isa isa na namang lumabas iyong mga candidate na ang suot ay parang cocktail dress na turtle neck na may butas sa may part ng dibdib na nakikita na iyong cleavage nila, then sleeveless. Pare arehas sila ng damit kaya mas makikita mon a talaga kung sino iyong pinaka angat ang ganda.

And you already know kung sino ang pinaka maganda.

"Kaganda niya talaga." Rinig ko nanamang sabi nung lalaki. Kinuyom ko iyong kamao ko pero pinigilan lang ako ni Jerome.

Nakatayo na lang silang lahat sa stage habnag hinihintay nila kung sino iyong nanalo. Iyong emcee naman, kinakausao usap sila. Tinatanong kung ano iyong nararamdaman nila at kung ano ano pa.

At nag ingayan iyong mga tao nung si Daisy na iyong tatanungin nung emcee.

"Oh my g, candidate no. 20. Mukhang madami ka nang fans ngayon ah?" Sabi nung emcee at nag si ingayan na naman sila. Ngumiti lang naman si Daisy.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon