CHAPTER THREE
Daisy's point of view
Its 7: 23 am.
Nakahiga pa rin ako habang nakatingin sa phone ko. Nag alarm ako ng 7:30am pero walang silbi iyon dahil hindi man lang ako nakatulog ni isang minute simula pagdating ko dito sa Pilipinas.
Kahit may jetlag pa ako, hindi pa rin ako nakatulog. Tumingin na lang ako sa ceiling at hinintay na tumunog ang alarm na isinet ko.
Nang tumunog na iyon tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo.
Naka check in ako sa hotel ngayon sa Manila. Ewan ko kung bakit hindi na lang ako umuwi kaagad pagdating ko. Siguro gusto ko muna ang magsaya at aliwin ang sarili ko kait mag isa ko lang.
Pagkatapos ko maligo, nagbihis at nagayos na ako para makaalis na. Mas magandang maaga ako umalis dahil baka maligaw pa ako sa daan. Hindi ko na kabisado itong Pilipinas dahil siguradong maraming nagbago dito.
Pagkacheck out ko, sumakay na ako agad sa kotse ko at nagsimulang magbyahe. Sakto din na tumawag sa akin si papa para iguide niya ako kung saan ako dadaan.
Lampas lunch na ako ng dumating sa probinsya namin. Nadaanan ko ang school ko noong highschool at maliki na din ang pinagbago nito. Mas gumanda na. Naalala ko tuloy iyong mga naging kaklase at kaibigan ko noong mga panahon na iyon.
Derederesto lang ang daan at unti unti ko ng naaalala iyong daanan na ito. Kahit na nagbago din ito, hinding hindi ko makakalimutan ang daanan na ito.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng nakita ko na ang boarder ng barangay naming. Nagflashback lahat ng mga alaala naming magbabarkada sa maliit na barangay na ito. Iyong mga away, tawanan, iyakan at iba pang mga gawaing batang nagawa naming noon.
Lumiko na ako papasok sa daanan papunta sa bahay namin. Loob loob kasi ang bahay naming pero maluwang pa rin ang daanan.
Pagbaba ko ng kotse, nakasalubong na sa akin sila mama at papa. Tumakbo ako sa kanila at nikayakap silang dalawa.
God, I missed them so much.
Napatingin ako sa bahay namin. Gaya pa rin siya ng dati, nagkaroon lang ng pintura at kisame. Sinasabi ko na sa inyo na hindi kami mayaman dati, basta makapagaral at makakain lang kami ng tatlong beses sa isang araw, masaya na kami pero gusto naming ni Ate Sunny na mapagand ang buhay nila kaya nagsipag kaming magaaral para makarating sa kinakatayuan naming ngayon.
Naging exchange student ako bago ako mag grade 11 nuon at ginawa ko na iyong oportunidad upang makakuha ng magandang trabaho.
Hindi naging madali ang buhay ko noon dahil magisa lang ako at namimiss ko ang pamilya ko, pero tulad din ng mga OFW sa ibang bansa, tiniis ko at nagsikap magaral duon.
At nagbunga din ang paghihirap ko, naging architect ako na pangarap ko maging at naging drama writer din ako as a hobby. Sabihin na nating madami na akong pera ngayon dahil madami dami na din akong naipon dahil sa ilang taon ko sa trabaho.
Nagbukas din ako ng sarili kong companya sa Barcelona at successful pa rin iyon hanggang ngayon.
At hindi lang ako ang naging successful sa career. Pati rin ang mga barkada ko. Naachieve din nila ang mga pangarap nila at maganda ang mga naging trabaho nila.
"Nasan si Ate Sunny?" Tanong ko kay mama nung napansin kong wala siya.
"Malelate daw siya umuwi. Marami daw siyang client ngayon." Sagot ni papa at napatango na lang ako.
Ate Sunny is a lawyer. Nagulat na nga lang ako nung naging abogado siya eh tapos sila pa rin ng boyfriend niya hanggang ngayon. Mabuti pa siya may boyfriend no?
BINABASA MO ANG
Ex series #1: Ex is Back (Completed)
RomanceBeing in a relationship with one of your friends feels great. You already knew each other and your other friends supports your relationship because they trusted you both. But what if nagbreak kayo? Will you remain as friends? Or matatapos na rin...