SPECIAL CHAPTER 1

139 5 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

Flashback

September 1 20**

Daisys point of view

"Daisy! Sunny!"

Napatigil ako sa pagbabasa dahil parang may narinig akong tumatawag sa amin. Hindi ko lang iyon pinansin dahil baka gini guni ko lang iyon at hindi ein naman nagrereact or sumasagot si ate.

"DAISY!! SUNNY!!"

Rinig ko ulit na sigurado na akong kami talaga ang tinatawag.

Tumayo si ate at pinuntahan si ate Maria. Paano ko nalaman na siya iyon?

Sa lakas ba naman ng boses niya, paano ko hindi siya makikilala?

Ano kayang meron? Bakit kaya nila kami tinatawag? Wala namang kaming napagusapan na lalabas ngayon.

"Bakit daw?" tanong ko kay ate nung nakabalik na siya.

"Birthday ni Nanay Nally nila. May handaan daw."

"Ano? gulat kong tanong.

Bakit naman kasi biglaan? Hindi pa ako nakakaligo! Ang gulogulo pa ng buhok ko tapos ka-oily pa. Tapos iyong mukha ko pa! haggard! Iyong supt ko pa ay tshirt na pinutol ko iyong manggas tapos pantylet sa ibaba.

"Di pa ako nakakaligo." Sabi ko kay ate.

"Ako rin naman ah. Mag palit nalang muna tayo. Nakakahiyang paghinayin sila duon." Sabi ni ate kaya wala na akong nagawa.

Ayos lang naman sa akin na walang ligo na pupunta doon kung kami kami lang na mga babae. But nandoon kasi siya

Nandoon iyong ex ko. na naa-awkward pa rin ako hanggang ngayon!

Two years! Two years na kaming break pero bakit ganon? Ayaw ko pa rin siyang makita. Awkward pa rin.

Haysss!

Nagpalit na lang kami ng damit ni ate at nag polbo para hindi naman halatang hindi pa kami ligo kahit papaano but nung humarap ako sa salamin? Haggard parin tignan!

Lalo na iyong buhok ko na sabog!

Bakit kasi hindi nila kami nainform agad?

Nag lakad na kami papunta kina ate Maria. Pag kadating namin duon ay hindi naman gaano karamihan iyong mga tao. Simpleng handaan lang.

Mga amiga lang ni nanay Nally iyong mga nakaupo sa mesa habang kami naman na barkada ay nakatayo pa lang at hinihintay na matapos ang dasal.

Nandito na si Kuya Billy, Ate Macy at Kuya Dean habang sila ate maria at ate Gail naman ay nasa may ginawa nilang maliit na stage para sa picture taking mamaya.

'Mukhang hindi darating iyon ah.'

Wait a minute. Ano ngayon kung hindi siya darating. Paki ko naman? Hangin na nga kami para sa isat sat diba? Bakit ko pa siya hahanapin?

Ipinilig ko na lang iyong ulo ko dahil parang nagtatalo na naman ang utak at puso ko na ayaw kong nangyayari.

"Saan gusto niyo kumain?" salubong na tanong ni Ate Maria saamin pero hindi kami sumagot. Kahit saan naman kasi pwede. Pwera lang sa floor ah.

"Duon na lang tayo sa terrace namin." Sabi niya at sumangayon kami na duon na lang.

Nag-punta kami duon habang iyong dalawang lalaki at kinuha iyong mga pagkain namin. Dumating na din si ate Gail at umupo.

"Nasan pala si Charles?" Tanong ni Ate Sunny habang nakatingin kay Ate Gail.

"Ewan ko dun. Hindi nagoonline." Sabi ni ate na halatang naiinis.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon