CHAPTER SIX

188 8 0
                                    

CHAPTER SIX

Daisys point of view.

"Maayos na ba ang lahat ate?" Tanong ko kay ate sa phone.

"Oo, okay na iyong mga tent at hotel, pati rin iyong mga pagkain natin, ayos na." Sagot niya a masaya. Excited na siya.

"Sure kang wala nang kulang?" Paniniguro ko. Feeling ko may nakalimutan siya eh.

"Wait lang. tignan ko lang iyong notebook ko." Sabi niya.

"Drinks!" sigaw niya. Kalakas talaga ng boses niya. Naka earphones pa man din ako.

"Nakalimutan kong bumili ng mga beer." Sabi niya. Sabi ko na nga eh, may nakalimutan siya.

"Ikaw na ang bumili nun ate. Hindi ko alam iyong mga gusto niyo eh." Sabi ko sa kanya.

"Sige. Ako na ang bahala." Ate Sunny at pinatay ko na ang tawag.

Nakakapagod maging balik bayan. Ang daming gusto ka makita kaya no choice na imeet mo sila.

Bukas na pala ang outing namin at excited na akong makita sila. Sana maging masaya kami bukas at sa mga susunod na araw. Sana hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nila sa akin tulad nuong mga bata kami.

Magkikita kita kaming lahat bukas sa airport ng 3:00 am kaya kailangan kong gumising ng maaga dahil sa Manila pa ang airport na iyon. Bwisit kasi si Ate Sunny. Porket nasa Manila lang sila, duon siya nagbook ng flight para malapit daw. Paano naman kaya daw ako? Eh ang layolayo ko.

Bahala sila kung malelate ako.

---

Gumsing ako ng 12 at nagsimulang mag ayos ng sarili. Nailagay ko na iyong mga gamit ko sa kotse kagabi kaya hindi na ako nahirapan. Ginising ko na din si papa dahil ihahatid niya ako, hindi ko kasi alam kung saang airpory ang pupuntahan ko. Mas maganda na rin dahil maiiuwi niya itong sa sakyan ko kasya sa iwan ko dito sa airport.

3 am na pero nasa daan pa din ako. Tinanong ko si papa kung malapit na ba kami at oo ang isinagot niya kaya tinext ko si ate na malapit na ako.

Pag dating ko, nanduon na silang lahat at napangiti ako dahil sa nakita ko.

"Welcome back Friend!" Sigaw nilang lahat habang may hawak hawak silang banner.

Masaya akong tumakbo papunta sa kanila at niyakap. Niyakap nila akong lahat ng sabay sabay kaya medyo naipit ako. Pero wala akong pakialam dahil masaya ako ngayon.

Pagkatapos ng yakapan, nakita kong ibinaba n ani papa ang gamit ko at nagpaalam na siya paalis.

Lumapit si Ate Sunny saakin at binulungan ako.

"Bakit ganiyan ulit ang suot? Parang ikaw ulit ang 17 years od na Daisy." Bulong niya na ikinatawa ko lang.

"Mas kumportable ako sa ganitong damit. At masmaganda ng makita muna nila akong ganito para hindi sila mabigla. Kung ganon agad ang pananamit ko baka maawkward sila sa akin." Bulong ko din sa kanya. Hindi naman na siya nag salita pa bilang pag sang ayon.

"Tara na sa loob, hindi pa ba kayo nilalamig?" Yaya ko kaya pumasok na kami para magcheck in.

Sobrang dilim pa kaya wala pa gaanong tao. Pagkatapos namin magcheckin saktong flight na namin.

Gaya ng dati naming nakasanayan, lagi akong nahuhuli. Ewan ko kung bakit pero simula noon lagi akong nasa last. Pero masaya ako na hindi pa rin nagbabago iyon.

Pagpasok namin sa airplane, nagsiunahan silang maupo tulad ng dati na ikinatawa kong magisa. Hinintay ko muna silang makaupo lahat bago ko hinanap ang upuan ko.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon