CHAPTER TWELVE

151 9 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Daisy's point of view.

Nang tumaas na iyong araw at medyo umiinit na, I decided to go back in our tent para mahiga ulit.

Malay natin makatulog na ako diba?

Pagdating ko duon, wala na akong space na pagtutulugan. In occupy na lahat ni Kyle.

NagStop iyong tingin ko kay Kyle.

Kalaki na din talaga ng pinagbago niya. Gumanda lalo iyong katawan niya at nakita ko din kahapon na may abs na siya.

Napaiwas ako ng tingin nung naramdaman kong uminit iyong pisngi ko ng dahil sa naalala ko kagabi.

Nagdecide na lang akong pumunta sa hotel para magluto ng kakainin namin. Pero sa tingin ko kanin nalang ang kakainin ko ngayong umaga dahil may ulam na akong nakita kagabi eh.

Sinampal ko iyong sarili ko ng dahil sa iniisip ko. Kaaga-aga ganito ang mga iniisip ko.

Tumakbo ako papunta sa hotel para maitigil itong nararamdaman ko. Exercise na rin, katagal ko ng hindi nagpupunta sa gym tapos kadami ko pag kinain kahapon.

Nagluto na lang ako ng hangover soup dahil siguradong masakit iyong mga ulo nila pag kagising. Madami pa man din silang nainom kagabi. Naubos pa ata lahat ng binili ni ate Sunny ng dahil sa lakas nilang uminom

Naghahanda na ako sa mesa nung pumasok na iyong mga babae.

"Mag hilamos na kayo para makakain na kayo." Sabi ko sa kanila.

Kitang kita ko iyong mga sakit ng ulo nila sa mga mukha nila. Kung nasa mood lang ako pag tatawanan ko sila, mukha silang mga zombie.

"Nasan iyong mga lalaki?" tanong ko kay Camille. Naghilamos kasi siya dito sa sink ng kusina habang iyong mga iba naman ay sa mga CR.

"Nanduon pa sa baba. Nililinis iyong mga kalat natin kagabi." Sagot niya.

Pinagpatuloy ko na lang iyong pag hahanda ko at hinintay silang matapos lahat.

Dumating na din iyong mga lalaki at pag kakita pa lang nila ng pagkain sa mesa, walang mumog at walang hilamos silang nag si upuan at nag simulang kumain.

Natawa na lang ako ng dahil sa inasal nila.

Natapos na din iyong mga babae kaya nagsimula na kaming kumain lahat.

"Buti na lang hindi ka masyado nalasing Daisy. Kung uminom ka ng marami, sino kaya ang magluluto ngayon. Sabi ni Gorge na maganang kumakain.

Natawa na lang kami ng dahil sa kanya.

Napatingin ako kay Kyle na tahimik lang na kumakain. Bakit ganon iyong mukha niya? Parang kulang sa tulog.

Hindi ba siya nakatulog kagabi?

Sa pagkain na lan ako tumingin at sinubukang hindi siya pansinin. Tutal ako naman iyong may gusto ng ganito diba? Ang lumayo siya. Bakit pa ako nag aalala sa kaniya?

Pag katapos nilang kumain, tumayo na sila at nag si puntahan sa mga kwarto.

Grabe! So kapag ako iyong magluluto, ako din iyong mag huhugas?

Ako nga walang tulog ni isang segundo kagabi, pinag luto ko pa sila tapos sila na nakatulog kagabi, matutulog na naman sila.

Huminga ako ng malalim at inintindi sila. Masakit kasi ang ulo nila Daisy kaya kailangan nilang matulog. Eh ikaw hindi ka naman masyadong uminom diba? Kaya ikaw lang ang may kayang maghugas ngayon.

Tumayo na ako at nagsimulang mag ayos ng mga pinagkainan namin at hinugasan ko na rin ang mga iyon. Grabe! Bakit kasi ang dami naming magbabarkada? Dag dag pa iyong mga pinag lutuan namin kagabi na hindi namin nahugasan.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon