CHAPTER 22

117 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Macy's point of view

Mag kakasama na kaming lahat ngayon maliban kay Daisy na hinihintay naming lumabas.

Sobrang nagulat talaga ako nung nakita ko siya sa harapan kanina. Siguro kung umiinom ako nung mga time na iyon, naibuga ko na sa harapan ko iyong iniinom ko at kung kumakain naman ako baka nalunok ko na iyong agad ng hindi man lang nginunguya.

But Im happy though. Biruin mo iyon, ngayon ko lang siya lumaban sa ganito tapos na nalo pa siya. She amazed me. she amazed us.

Pero habang hinihintay namin si Daisy, nababadtrip naman na ako sa mga kasama ko ngayon.

Nagaaway na kasi ang mag jojowa.

Ito iyong iniisip kong magiging outcome sa plinano nilang ito eh. Away lang. bwisit kasi talaga iyang Maria na iyan. Kagaling mag plano, hindi iniisip ang kalalabasan. Parang iyong kay Daisy at Kyle.

Palpak.

Mas pinalayo pa ata namin silang dalawa sa isat isa. But Im proud to Kyle, mukhang gagawin na niya iyong makakaya niya, mag balikan lang sila ulit ni Daisy. Lalo na kanina, nung tinawag niyang Honey si Daisy tapos nag I love you na din siya.

So romantic but mukhang, tumigas na naman ang puso ni Daisy.

Tumingin na lang ako sa kawalan nung napansin kong may babaeng naka cap.

Its Daisy. Iyong kasi iyong suot niya kanina pero kung iba, hindi ko siya makikilala. Nakakulot kasi iyong mahaba niyang buhok.

"Bakit ka nakaganyan?" Tanong ko sa kanya nung lumapit na siya sa amin. Tumigil na din naman ang gera ng mga mag jowa at itinuon na kay Daisy iyong atensyon nila.

"Da—" Sabay sabay sana nilang isisigaw iyong pangalan ni Daisy but nag sign siya na huwag maingay at itinuro iyong mga lalaking inaabangan siya sa backstage.

"Famous ka na te." Nanglolokong sabi ni Maria na itinataas pa iyong kilay niya.

"Tumigil kayo. Huwag niyo akong lokohin okay? Napilitan lang ako sa laban na ito." Sabi niya pero mas inasar nila siya.

"Gosh? Napilitan ka pa sa lagay na iyan? Nanalo ka na nga." Sabi ni Jolly. Numiti lang naman si Daisy.

"Hindi ko nga din ineexpect eh. Nag go with the flow lang ako at inenjoy."

"Congrats Daisy." Sabi ni Jerome at niyakap siya.

"Sama naman kami dyan." Sabi ni Sunny at sumama sa yakap. Naki yakap na din kaming lahat maliban kay Kyle na seryoso lang na nakating sa amin—I mean kay Daisy.

Hindi ko na siya narinig nag salita simula kaninang dumatin si Daisy. Nahihiya siguro?

"I cant breathe." Rinig naming sabi kaya kumalas na kaming lahat sa group hug namin.

"Kumain na ba kayong lahat?" Tanong ni Daisy sa aamin at tumango kami.

"Sige uwi na tayo. Pagod na pagod na iyong katawan ko especially my feet. Katas ng heels ko kanina."

"Kaya pala tumangkad ka ng konti kanina kasi nakaheels ka." Lokong sabi ni Billy kaya tinignan siya ng masama ni Daisy.

"Gago." Mura ni Daisy na ikinatahimik naming lahat pero maya maya natawa na kami.

"I didnt expect na maririnig pa kitang mag mura Daisy. Kalaki na talaga nung pinagbago mo maliban na lang sa height mo." Loko ulit ni Billy at ginawang tuta si Daisy. Pinalo lang ni Daisy si Billy habang masamang nakatingin dito. Pero hindi nila alam na may lalaking namasama din iyong tingin sa kanilang dalawa.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon