CHAPTER 35

188 9 1
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Daisy's point of view.

Nandito ako ngayon sa hospital, nakaupo. Hinihintay kong matawag iyong pangalan ko para maicheck kung kamusta si baby.

"Hmm. Where is your husband?" Napatingin ako sa katabi ko dahil kinakausap niya ako. Shes a blonde and beautiful.

Nandito pa rin ako sa America. Second-month na ni baby ngayon.

"He doesnt know that Im pregnant." Totoo kong sagot. "How bout you?" Tanong ko sa kaniya. "He doesnt know too." Sagot niya at sabay kaming napatawa.

Wala akong kasama ngayon dahil may trabaho si Chez. Hindi niya na din naman kailangan na samahan ako kasi malaking tulong na ang pagpapatira niya sa akin sa bahay niya.

Walang ibang nakakaalam kung hindi si Chez lang. Iniwan ko muna sa secretary ko iyong kumpanya at alam kong mapagkakatiwalaan ko naman siya.

Kahit sila mama at papa, hindi nila alam na buntis ako. Wala talagang nakaka alam kaya mas maganda na alng na nandito ako sa America.

"Miss Daisy Tabillos!" Tawag sa pangalan ko kaya tumayo na ako.

"I going in." Paalam ko sa blondeng kausap ko at ngumiti lang siya sa akin.

Pumasok na ako sa loob at pinahiga.

"Wheres your husband?" Tanong nung doctor. Ngumiti lang naman ako at iniling iyong ulo ko na naintindihan naman niya.

"It will be hard to raise your child alone miss Tabillos." Sabi ng doctor na ikinalungkot ko.

Alam kong mahirap pero no choice ako. Kailangan ko siyang palakihing mag isa.

"Who said that youll raise our child alone Daisy".

Gulat akng napatingin sa pinto kung saan nag mumula ang boses ni Kyle na matagal na niyang namiss.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Para samahan iyong mag ina ko." Sabi ni Kyle at lumapit sa tabi ko.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, tinitignan kung totoo ba ang nakikita ko or isang imagination lang na naman.

"Wait. You knew?" Gulat kong tanong.

"Of course, baby." Sagot ni Kyle at hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko.

"So, the daddy is already here. Ill start checking the baby." Nakangiting sabi nung doctor at tinignan na si baby.

---

Seryoso akong nakatingin kay Kyle at Chez. Hindi makatingin ng maayos si Chez sa akin.

"Franchezca. Sumagot ka ng maayos sa itatanong ko." Malamig kong sabi sa kaniya na ikinaayos niya ng upo.

"Ano iyon Daisy." Takot na tanong niya.

"Nandoon si Kyle nung nahimatay ako diba? Siya ang sumapo sa akin. Hindi ko siya imagination lang." Seryoso but calmado kong tanong.

"Bakit hindi na lang si Kyle iyong tan—" Naputol iyong sasabihin niya nung malakas kong pinalo iyong kahoy niyang mesa.

"Sabi kong sumagot ka ng maayos sa tatanungin ko!" Sabi ko na pasigaw na

"Baby, huwag ka ngang sumigaw diyan. Mamaya kung mapano pa si Baby." Rinig kong sabi sa akin ni Kyle kaya masama ko siyang tinignan at dinuro.

"Huwag mo akong mababy baby diyan Torres. Hindi moa ko baby! Iyong nasa tiyan ko lang ang baby mo!" Sigaw ko sa kaniya habang dinuduro. Ewan ko kung bakit pero kaibilis uminit ng ulo ko at mainis.

Ex series #1: Ex is Back (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon